Natuturuan ba ang puso? Following vs. Teaching your Heart

Karamihan ng mga estudyante ngayon ay nagbubunyi na. Last day na ng finals week at isa lang ang ibig sabihin nito: BAKASYON NA!

Hay, nakaka-miss maging estudyante. Bukod sa walang ibang iisipin pano pumasa sa lahat ng subjects, may summer and sem breaks pa. Buti na lang may Holy Week. Pahinga din yun. And speaking of, excited na’ko sa La Union getaway kasama ang mga awesome friends from church!

Pero bago magkalimutan ng mga kwaderno at aklat, atin munang silipin ang isang mahalagang aralin.

blackboard

Maglabas ng one whole sheet of paper at sagutin ang tanong:

Natuturan ba ang puso? Ipaliwanag kung bakit o bakit hindi.

Sa classroom ng buhay, hindi bawal magtanong sa katabi. Gusto mo tumayo ka pa at tanugin yung kaklase mo sa kabilang dulo ng row. Kaya nagtanong ako sa iba’t ibang tao. Sa sampung tao na nakausap ko, wala kahit isa ang sumagot ng HINDI. Ang ilan sa mga nagsabing “Oo, natuturuan ang puso,” ay mga teller, messenger, supervisor, feeling artista, manager, businessman, at siyempre, sila kuya janitor at manong guard.

Kung natuturuan ang puso, hangang anong grade? May masterals pa ba? Eh, doctorals? May first honor, valedictorian, at suma cum laude ba diyan?

Kung natuturuan ang puso, bakit meron paring sumasabak sa relasyon sa murang edad, nabubuntis, at nagtatanan? Bakit meron paring nagboboypren/girlpren sa kabila ng paalala/pakiusap/pagmamakaawa ng mga magulang na magtapos muna ng pag-aaral? Bakit meron paring umiibig sa di tamang tao, sa di tamang panahon? Bakit meron paring kumakanta ng “Sana dalawa ang puso ko” o “Bakit ngayon ka lang?”

Natuturuan ba ang puso?

Ang paboritong kong sagot ay galing sa isang kliyente. Itago na lang natin siya sa pangalang “Ma’am Marissa”:

“Natuturuan ang puso pero, minsan, ayaw nitong magpaturo.”

Tama eh. Pasok sa banga!

Pero kahit ayaw, kailangan.

BAKIT?

1. Ang puso ang daluyan ng buhay. Guard your heart above all else, for it determines the course of your life (Proverbs 4:23 NLT). Kapag hindi mo ito iningatan, baka kung saan ka iligaw ng agos nito.

2. Ang puso ay manloloko. The human heart is the most deceitful of all things, and desperately wicked. Who really knows how bad it is? (Jeremiah 17:9 NLT). Kapag nagtiwala ka sa sinasabi nito, goodluck na lang sa’yo.

3. Ang puso ay nagpapaloko. He who trusts in his own heart is a fool, but he who walks wisely will be delivered (Proverbs 28:26 NASB). Kapag hinayaan mo ang puso ang magdesisyon, ito’y isang hangal na aksyon.

PAANO?

1. Mag-enrol. Wika nga ni Ma’am Marissa, minsan, ayaw magpaturo ng puso. Pano mo tuturuan kung ayaw? Gustuhin mo muna. Be humble and acknowledge that your heart  is not to be trusted and you need guidance.

2. Magbayad ng matrikula. You have to pay a price. ‘Wag ka mag-alala, hindi ito masakit sa bulsa, masakit lang sa puso. If your heart is beyond cure, kahit anong tapal mo ng dahon ng bayabas o budbod ng amoxicillin diyan, di gagaling yan. Instead, surrender your terminally ill heart and ask God to transplant in you a new and healthy one. A heart that beats after His. It means letting go of your desires and going after God’s will in every area of your life. Ibaon na sa lupa ang kasabihang follow your heart. Follow Jesus.

3. Mag-participate sa group activity. Use the right references, listen to the right teachers, and go with the right study buddies. Bible, godly counsel and godly people. The Bible will instruct you towards the Truth and on the ways of God. Godly counsel and godly people will pray with you, cry with you, laugh with you, eat-throughout-it with you, and help you come up with practical applications when you are faced with a major decision in life. Most of which are related to the matters of the heart.

Sa iskul ng mga puso, walang Very Good star, Best in Friendzone medals, at Most Behaved certificates.

source: www.yardcards.com
source: http://www.yardcards.com

Pero ang mapupulot mo dito ay karunungan na mag-iiwas sa’yo sa kapahamakan at gagabay sa’yo sa katiwasayan. Ito ay kayamanan na hindi mananakaw ng kahit sino pa man.

Natuturuan ba ang puso?

Oo. Dapat.

Study this Book of Instruction continually. Meditate on it day and night so you will be sure to obey everything written in it. Only then you will prosper and succeed in ALL you do.

Joshua 1:8 NLT

3 thoughts on “Natuturuan ba ang puso? Following vs. Teaching your Heart

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s