Anyare? (How a parent deals with disappointments)

Alam mo yung feeling na akala mo sasagutin ka ng nililigawan mo pero basted pala? Saklap noh?

Nung nalaman ko na Top 3 lang ang anak ko sa Grade 2 level, hindi ganun ang naramdaman ko. Una, hindi ko naranasan manligaw. Pangalawa, mas masaklap para sa isang inang katulad ko na paasahin at umasa na Top 1 ang anak ko tapos sa bandang huli, top 3 pala. Dagdag sakit pa sa dibdib ko ang makita ang pagkadismaya sa mukha ng anak ko.

Baka sabihin mo ang OA ko. Kasi naman, sa sunund-sunod na grading periods, Top 1 si Neil. Nung third quarter, sabi ng class moderator, malaki daw ang chance niya na mag-over all Top 1. Nung last day ng eksamen, masayang masaya si Neil na ibinalita sa’kin na, sabi ni titser, siya daw ang Top 1. Oh, kung ganito ang nangyari sa’yo, hindi ka ba aasa na Top 1 ang anak mo?

Nung Miyerkules, dumating sa bahay ang imbitasyon at pahayag na si Neil ay Top 3. Huwatt?! Ako yung tipo ng tao na mahaba ang pasensya, laging nagpapaubaya. Minsan, sabi ng mga tao sa paligid ko, sa sobrang mapagpaubaya ko, nalalamangan na’ko. Pero kung isa kang ina na sampung buwan gumigising sa madaling araw para maghanda ng baon at natutulog ng gabing-gabi pagkatapos magtutor at mag-ayos ng mga libro sa bag para handa na kinabukasan, hindi ka magpapangalumbaba sa isang tabi at maglalaro na lang ng Logo Quiz.

Huwebes, sugod si Mommy Yna (ako yun) sa iskul at hinanap si titser. Mahinahon, humingi ako ng paliwanag ukol sa pangyayari. Ang ekplanasyon:

Titser: Mas mataas po ang average ng bata sa kabilang section kesa kay Neil.

Ina: Pano nangyari yun, hindi naman consistent ang nakakakuha ng top 1 sa kabila?

Titser: May karagdagang puntos kasi para sa mga batang super duper active sa co-curricular activities, pag class officer, pag bida sa mga school productions, pag kumatawan sa mga inter-school competition, blah, blah, blah..

Ina: Sana pala pinag-artista ko na lang ang anak ko kung ganyan ang batayan niyo dito.

Titser: Ayon sa mandato ng Kagawaran ng Edukasyon, 70/30 ang sistema ng K-12 curriculum sa pagpili ng mga honor students. 70% para sa academic at 30% sa co-curricular activities.

At napag-alaman kong ito ay tama naman. Pero sana sinabihan din kami ng maayos tungkol dito.

Kahit masama sa loob, napag-usapan namin ng mga lolo at lola niya na palagpasin ito. Isang aral na rin ito para kay Neil. Ngayon, alam na niya kung ano ang dapat gawin. Minsan kasi, may mga pangyayari na hindi naaayon sa ating inaasahan. At bilang isang magulang, ano ang pwedeng maging reaksyon natin?

1. Ipaalala sa kanya na hindi siya ang grades at awards niya. Malaking bagay ito sa paghubog ng kanyang pagkatao pero hindi ito ang magdidikta nito. Siya ay anak ng Diyos, makasalanan, hindi perpekto pero tinubos ni Hesus sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus upang bigyan tayo ng panibagong buhay.

2. Tulungan siyang tanggapin ang pagkatalo. Sa isang mundong malupit, marami pa siyang haharapin na pagsubok. Bagkus, hikayatin siya na gawing inspirasyon ito para pagbutihin ang sarili at mga kakayahan.

3. Magdiwang! Ang isang medalya, kahit isa lang ‘yan, ay isang pagkapanalo. Bigyan siya ng premyo. Pwedeng bigyan siya ng isang laruan na gustung-gusto niya, kumain kayo sa labas, o isang simpleng salu-salo sa tahanan ay sapat na. Ang importante, maramdaman nyang ipinagdidiwang niyo ang kanyang tagumpay.

4. Ipaalala sa kanya na hindi man siya ang best sa buong school, siya naman ang “the best” para sa inyo. Iyon lang ang kailangan niya. Ang isang valedictorian ay halos mabalian ng leeg sa bigat ng medalyang nahakot pero kung para sa magulang niya ito’y kulang pa, walang saysay ang lahat.

5. Gabayan siya na magpasalamat sa Diyos para sa kakayahanng ipinagkaloob sa kanya sa buong school year. Palakasin ang pananampalataya niya sa Panginoon at ipaunawa na mas maganda ang plano ng Panginoon kesa sa’ting sariling plano.

Para sa amin, ikaw ang Number One!🙂

“Humble yourselves before the Lord, and He will lift you up”

James 4:10

One thought on “Anyare? (How a parent deals with disappointments)

  1. Pingback: My Homepage

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s