Staycation

Istey-kay-shon.

Ano ito?

Pinagsama ang dalawang salita na stay at vacation. Sabi ni Manong Wikipedia, ang staycation ay isang bakasyon sa sariling bayan imbis na sa ibang bansa o sa sariling bahay imbis na sa malayong lugar or karatig na probinsya. Ang salitang ito ay matatagpuan na rin sa 2009 Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary.

Pwede itong gawin kapag nagtitipid ng pera, ayaw magbyahe ng malayo, o mas gustong magpahinga sa bahay.

Pahinga – to rest.

Hinga – to breathe.

Bilang isang full time working single mom, ang pahinga ay mahal pa sa pinakamahal. Hindi ito nabibili ng tumpuk-tumpok, wholesale o tingi-tingi. Hindi ito nabibili. Period. Lalo ko ito naramdaman nung ikalawang araw bago magbakasyon. Sa buhos ng tao sa bangko, inom ng tubig at ihi lang ang pahinga. Sinabi ko na lang sa sarili ko, okay lang. Ganito talaga pag maglo-long weekend. Kailangan ng tao ng pera para panggastos. Dalawang araw na lang naman.

At dumating na nga ang araw na pinaka-hihintay hintay ko. Ang araw ng pahinga.

Nabanggit ko sa Natuturuan Ba Ang Puso post ang getaway sa La Union. Guess what, hindi ito natuloy. Hindi kasi ito naplano ng mabuti. Nakakalungkot pero salamat sa staycation dahil nagkaroon ako ng maraming pahinga.

Magandang umaga Ortigas! :)
Magandang umaga Ortigas!🙂

Pero alam mo yung feeling na maghapon ka sa bahay, natulog, at kumain lang pero pagud na pagod ka pa rin? Kasi, ansabe:

“What do people get for all the toil and anxious striving with which they labor under the sun? All their days their work is grief and pain; even at night their minds do not rest. This too is meaningless.”

Ecclesiastes 2:22-23

Meaningless daw. Walang kwenta. Eh, pano yun?

Hinto muna tayo. Silipin ang puso. Are you physically tired or are you spiritually weary? Huwag mangamba. Ansabe ulit:

“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.

Matthew 11:28

Kaya para sa tunay na pahinga,

1. Have a direct connection. Kung iniisip mo pa ano yung feeling nang may personal relationship kay Jesus, panahon na para i-give up ang sarili mong efforts. IT IS DONE. You don’t have to do anything anymore. Start trusting Christ’s accomplished work on the cross to bring us back to God. Ask a person, whose life is an example of a transformed life through Christ, to pray with you and for you.

2. Have a re-connection. If you’ve started a personal walk with God but feel a bit tired and discouraged, check your heart. Maybe you’re trying to do it on your own efforts again. Take this time to renew your relationship with God. Ask Him to refresh your memory about the truth that IT IS DONE. You don’t have to do anything anymore.

3. Have a thankful heart. Ang tunay na pahinga kasi ay isang regalo. Kahit isang taon kang staycation, kung hindi ka thankful para dito, it is meaningless! Ansabe:

“That each of them may eat and drink, and find satisfaction in all their toil—this is the gift of God.”

Ecclesiastes 3:13

Kaya stay-at-home, out of town, o out-of-this world man ang bakasyon mo, ang importante, nagkaroon ka ng tunay na kapahingahan. Ay iyon ay walang iba kundi sa presensya ng ating buhay na Panginoon!🙂

Paa ng kapatid ko.
Hindi yan luya. Paa yan ng kapatid ko. LOL.

2 thoughts on “Staycation

  1. Mainam kapatid ang iyong isinulat sa araw na ito. Ako mismo ay isa sa mga tao na nakanamnam ng aking pahinga. Sa mga nagdaang araw ay ito ang labis na kailangan ng aking katawan.🙂 Aantabayanan ko ang mga susunod mo na liham sa pahinang ito..

    Like

    1. Salamat kapatid! Ako’y nagagalak at namamangha sapagkat ikaw ay bihasa rin sa lengwaheng Filipino. Ito ay sa kabila ng dugong Chino na nananalaytay sa iyong mga ugat. Ang patuloy mong pagtangkilik sa pahinang ito ay isa sa mga inspirasyon ko sa pagsulat. Mabuhay ka!🙂

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s