It Takes a Man and a Woman to…

Humakot ng tumataginting na P65M ang pelikulang It Takes a Man and a Woman sa unang dalawang araw ng pagpapalabas nito sa sine. Ilang silid-aralan kaya ang maipapatayo ng P65M? Sa nabasa ko, P1.1M daw ang halaga ng isa. Ikaw na mag-compute. Alam mo naman, di ko favorite ang Math. Pero wag muna natin pag-usapan ang bilang ng mga batang pwede SANA makapag-aral sa halagang P65M.

Pag-usapan natin ang pelikulang nabanggit. Hindi ako pwedeng maghugas ng kamay. Ako man ay nakipila din sa sinehan para mapanuod ang mga kapwa ko artista (hehe) na si John Lloyd Cruz (Miggy Montenegro) at Sarah Geronimo (Laida Magtalas). Hindi ito movie review. Spoiler ito. Sa mga hindi pa nakapanood, ikukwento ko kung anong nangyari. Hehe, joke. Try ko wag maging spoiler, ha. TRY ko lang.🙂

Hindi ako fan pero inaamin ko na tinangkilik ko parin ang pelikula lalo na ang mga naunang installment na A Very Special Love (2008) at You Changed my Life in a Moment (2009). Nagustuhan ko ang mga pelikula dahil ito ay nagpatawa at nagpakilig kahit walang halong intimate or sexual encounters sa mga eksena. Pinatunayan nila na pwedeng maging nakakakilig ang isang romantic film kahit walang kissing scene ang mga bida. Kaya nalungkot ako nang malaman kong nagkahiwalay si Miggy at Laida.

Nakita natin sa trailer na nagkahiwalay sila dahil sa third party. Pero gusto kong malaman pano nauwi sa ganoon? Bakit ang isang napakagandang love story ay mauuwi sa isang hiwalayan? At kung totoo na “it takes a man and a woman to bring back a happy ending.”

Ang aking napagtanto…

It takes a man and a woman… to mess up a relationship.
May mga malalim at personal na dahilan sina Miggy at Laida sa likod ng hiwalayan. Nakita ko ang sarili ko sa isa sa kanila. Kaya din siguro pumatok ito sa panlasa nating mga Pinoy. Naka-relate tayo ng bonggang-bongga. At isang nakakalungkot na realidad ng buhay na kahit gaano natin kamahal ang isa’t isa, hindi pala ito sapat para siguraduhin na hindi na magkakahiwalay habang-buhay. May mga mangyayari sa buhay natin at may magagawa tayo na magiging dahilan ng hiwalayan.

But it takes a man and a woman… and God to make a love last a lifetime.
There isn’t a perfect relationship because two imperfect people are always in it. But when you add a perfect God in the equation, the imperfect is made perfect. When two people have experienced God’s forgiveness and grace, they will be able to give the same to their partner no matter how grave the offense is.

Though one may be overpowered, two can defend themselves. A cord of three strands is not quickly broken.
Ecclesiastes 4:12

3 thoughts on “It Takes a Man and a Woman to…

  1. Gusto ko ‘to Yna. “it takes a man and a woman to bring back a happy ending.” and of course: Though one may be overpowered, two can defend themselves. A cord of three strands is not quickly broken.
    Ecclesiastes 4:12

    *PS. ang galing mo magsulat in Tagalog😀

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s