Bakit ang pogi mo?

Minsan, kailangan iwanan ang luma at yakapin ang bago.

Hindi ito tungkol sa pag-alis. Tungkol lang ito sa ito sa gupit ng buhok.

Sa loob ng maraming taon, iniisip, napapanaginipan (haha. joke.), at pinapangarap ko ang maiksing buhok. Yung talagang maiksing buhok. Pero tiniis ko ang pagpunta sa salon dahil

#1. May nag-suggest na magpahaba ako ng buhok

#2. Sabi sa TV ad, pag mahaba ang buhok, gaganda ka

#3. Takot ako baka hindi bumagay sa’kin yung short, short hair

Sabi ko, sige, ‘pag 30 na’ko, i-ttry ko na yun.

Ngunit mapaglaro ang tadhana (teleserye queen?). Isang araw sa branch, may kliyente ako na yung buhok nya, katulad nung gustong gustong gusto ko. Tinuro ko sa mga co-tellers ko. “Gusto ko ng ganung buhok…”

Minsan, kailangan lang ng isang taong kukunsinti susuporta sa’yo para magawa mo ang isang bagay na di ka sigurado kung kaya mo. In my case, dalawa sila. Si Diane at Jowell, mga co-tellers ko. Bago nila ako makumbinsi, pinilit ko silang mangako na tatanggapin nila ako kahit anong kalabasan ng gupit ko. At gagawin nila yun araw-araw.

Kinahapunan, maaga kami nakalabas sa branch. Kumaripas kami ng sakay sa jeep papuntang Karangalan Village. Doon kasi yung dati kong pinapagupitan. May plano si Diane na magpa-rebond, kaya niyaya ko siya na dun na rin magpa-make over.

Nung pinakita ko sa stylist yung gupit na gusto ko, tiningnan niya ako at nagtanong, “Sawa ka na ba sa buhay mo at magpapagupit ka ng ganyan?” Natawa na lang kami. Pano ba naman, ganito yung gusto kong gupit.

emmawatsonshorthair

Siguro sa isip niya, nagpapaganda ako ng tao, hindi nagpapa-pogi. After ng ilang minuto ng kulitan, napapayag namin siya na gawin sa buhok ko ang isang karumal-dumal na krimen. Hehehe. Nag-suggest na rin siya na palitan ang kulay ng buhok ko. Ang kanyang napili: Purple Red! Para ganap na ganap ang pasabog ko.

Snip! Snip!
Snip! Snip!
Goodbye long hair!
Goodbye long hair!

Pagkalipas ng 2 oras,

Ang pogi ko.
Ang pogi ko.

One word: LIBERATING.

Hindi na’ko masyadong mababanas dahil sa init ng panahon. Hindi na’ko tatambay sa harap ng electric fan for 30 minutes para magpatuyo ng buhok. Hindi ko na kailangan gumamit ng suklay! Para sa’kin, eto ang totoong no-comb revolution.

Kung ang lalake pwedeng tawaging magandang lalake, ang babae pwede rin sigurong tawaging poging babae. At dahil dyan, ito ang tinatawag na GUPIT POGI.

Naisip ko, buti na lang, hindi ako naghintay ng another 5 years bago ko subukan ‘to. Kung sakaling hindi ko magustuhan, okay lang. Tutubo ulit yan. Pero gusto ko ang #gupitpogi ko. Yun ang importante.

Sabi sa mga ads, gumamit ng ganitong shampoo at kung ano pang kemberloo para gumanda at humaba ang buhok mo. At pag nangyari ito, magkakaroon ka din ng gandang ‘di mo inakala.

Napaniwala nila ako minsan. Sabi, ang buhok daw ay ang crowning glory. Pero, paano ang mga taong may alopecia? Eh yung mga nag-undergo ng chemotherapy kaya nakakalbo? Hindi ba sila maganda?

Isa pang realization: I am not my hair. I am how God defines me. I am a beautiful person not because I had long hair. I am beautiful because God made me so.

I praise you (Lord) because I am fearfully and wonderfully made;
your works are wonderful,
I know that full well.

Psalm 139:14

Women, our hair is not our crowning glory; the grace of the Lord is.

At kung gusto mong malaman kung buhay pa ang gumawa sa’kin nito, OO. Buhay na buhay. Eto nga siya oh:

Visit him at Hairspeaks Color and Rebonding Salon
Visit him at Hairspeaks Color and Rebonding Salon

Ang bibong-bibo na si RB. Kung trip mo rin ang #gupitpogi ko at peg mo si Emma Watson/Charlize Theron/Ellen Degeneres/Charice Pempengco/Justin Bieber/Cynthia Patag/Sharon Osbourne/Dao Ming Si, atbp. text mo lang siya.

RB. 0905-9467315.

Hairspeaks Color and Rebonding Salon (Karangalan Village Gate 5, Manggahan, Pasig City!!!)

The Perks of Being A Single ;)
The Persk of Being Single๐Ÿ˜‰
Gupit Pogi โœ“
Red hair โœ“

Update (April 29, 2013):

styled with wax and uber dangling earrings! #kabogera
styled with wax and uber dangling earrings!#kabogera

 

4 thoughts on “Bakit ang pogi mo?

  1. Marz! You’re getting better at blogging ah! I mean complete documentation ka na din! At tawang tawa ako! :)) (Talagang dito lang ako nag comment at hindi sa previous entry mo. At hindi ako aamin na ako yung super duper extra mega close friend mo sa entry na yun! Hahaha!)

    Like

    1. Syempre, nagmana ako sa’yo Parz. At, napatawa mo din ako sa comment mo na ito. Aminin daw ba na ikaw yung extra mega close friend?!!! Iwas nga ako sa pag-gamit ng HE at SHE eh. “My friend” lang. Oh well, so much for anonymity. It’s not in your vocabulary. Hehe. :p

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s