Para sa ina ni Yna

Sya ay hindi fashionista, sossy, o isang sexy mommy.

Ang aking ina.

Lagi siyang naka-tshirt (karamihan ay lumang-luma na). Keber kung marami siyang puting buhok. Kahit kelan hindi siya gumastos para sa make-up niya.

Ang aking ina.

Hindi siya nagbigay at magbibigay kailan man ng mga bagong gadget sa birthday o Pasko. Hindi niya ako hinahatak sa mga salon, spa o sale sa department store.

Ang aking ina.

Hindi siya mukang dyosa. Ang salitang BONGA ay wala sa kanyang diksyonaryo.

Ang aking ina.

Nung bata ako, lagi kaming nagbabangayan. Hindi niya ako papatulugin hanga’t di tapos ang assignment ko. Pinapalo niya ako pag nagsusuntukan kami ni Kuya.

Pero kung bibigyan ako ng pagkakataong pumili ng aking ina (no hard feelings walang personalan), ang pipiliin ko

Ang aking ina.

Hindi siya perpekto.

Pero mahal ko

Ang aking ina.

Mahal ko siya dahil sa mga taon ng hinagpis sa pagpapalaki sa akin, sa pagpapaaral sa’kin sa mga magagandang eskwela. Kung pwede lang manahi ng isang full body suit na gawa sa kulambo, gagawin niya, wag lang ako makagat ng lamok.

Ang aking ina.

Mahal ko siya pero alam kong mas mahal niya ako.

Pwede akong magtrabaho sa susunod na mga dekada para suportahan siya hangang sa pagtanda pero alam kong hindi ko mababayaran lahat ng ginawa at ginawa niya para sa’kin.

A child can never out-love his/her mother. I am sure of that.

Ang aking ina.

Minamahal kita.

Happy Mothers' Day!
Happy Mothers’ Day!

2 thoughts on “Para sa ina ni Yna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s