Magtanim ay hindi biro: Planting seeds of love

Mirasol. Sun flower sa Ingles.

Iyan ang unang halaman na inalagaan ko. Tanda ko pa ang galak na nadama nang makita ang pag-usbong nito. Wisik-wisik, diligan ito ng tubig. La la la… ‘Wag kalimutang kantahan ito. Mas gaganda daw ang tubo ng bulaklak pag kinantahan. Tuwang-tuwa akong pinagmasdan ang paglaki niya. Hangang sa isang araw, namatay siya. Napangitan siguro sa boses ko.😦

Pag oras na matulog, magpapakamot ng likod ang anak ko. Minsan, naisip ko, kantahan ko kaya siya para mas mabilis makatulog. Ang sabi niya, “Mommy, shhh. Wag ka maingay.” Ang sabi ko, “Ay, sorry.”

So, confirmed. Hindi ako dapat kumakanta. Hehe.

Alam mo yung feeling na may inaalagaan? Yung may pinaghahandaan ng pagkain, damit, o lumang tsinelas man yan. Yung feeling na may silbi ka at may nangangailangan sa’yo.

Masarap di ba? Kahit kasi hindi ka isang nanay (o hardinero), may puwang ka rin diyan sa puso mo na mapag-aruga. We have a nature to nurture, to care, to protect. Because God made us for relationships, we always look for connections.

The Lord God said, “It is not good for the man to be alone. I will make a helper suitable for him.”

Genesis 2:18

Pero paano kung inalagaan at inaruga na natin ang isang bagay pero walang nangyari?

Paano kung isa kang magulang na ginustong mapabuti ang buhay ng anak pero nag-rebelde ito?

Paano kung isa kang anak na ginustong ipakita ang pagmamahal sa magulang pero isinasantabi nila ito?

Paano kung isa kang kaibigan na gusto akayin sa tuwid na daan ang isang kaibigan pero mas pinili niya ang kawalan?

What if the person you love rejects your efforts to care?

What if you did everything you can to make things “grow” and “work out” and yet things turned out differently?

Hahanap ka ba ng ibang aalagaan? Magmumukmok sa kwarto? Magdedeklara ng martial law? Magpa-papak ng butong pakwan habang nanunuod ng teleserye?

Binigyan tayo ng Diyos ng mga responsibilidad. Pero bilang isang ina, natutunan ko na hindi natin pwedeng ipilit ang gusto natin sa ibang tao. Kahit pa ito’y pagmamahal ng ina sa kanyang anak, ng asawa sa kanyang kabiyak o ng hardinero sa kanyang bulaklak. Pero hindi ibig sabihin nito ay ikaw ang ni-rereject nila. Baka may pinagdadaanan lang yung tao, EDSA or Commonwealth Ave man yan. Baka takot lang siya tanggapin yung pagmamahal mo kasi nasaktan na siya dati. Pero hindi rin ibig sabihin ay kailangan nang sumuko.

Huwag tayong mapagod magmahal at mag-aruga. Patuloy magtanim ng binhi ng pagmamahal. Kasabay nito, ipagdasal sa Diyos na isang araw, magbubunga rin ang lahat.

I planted the seed, Apollos watered it, but God has been making it grow. So neither the one who plants nor the one who waters is anything, but only God, who makes things grow. The one who plants and the one who waters have one purpose, and they will each be rewarded according to their own labor.

1 Corinthians 3:6-8

Kapit lang.🙂

2 thoughts on “Magtanim ay hindi biro: Planting seeds of love

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s