When your love life goes OFFLINE

Ang trabaho ko

I am blessed to have been working for The Banker Magazine’s 2012 Bank of the Year awardee. Am I proud? Of course! Am I proud as in medyo mayabang ba? Pagbigyan niyo na. Ninanamnam ko lang yung biyaya ng Panginoon. Alam kong maraming kokontra. Misconception kasi na pag parang sari-sari store sa dami ng branch at ATM sa paligid-ligid, pag may TV advertisement, yun ang best bank. Kaso hindi yun ang basehan, eh. Basta, ramdam ko lang ang saya na dulot ng award na ‘yon. Apir tayo mga Security Bankers!🙂

Ngunit, kahit Bank of the Year, may mga problema rin na nararanasan. Minsan lang naman. Isa na dun ang pagka-offline. At sa mga kliyente namin na nakaranas ng ganito, lubos po ang paghingi namin ng paumanhin. Ang mga kinauukulan ay gumagawa ng paraan para pagbutihin pa ang kalidad ng sistema para sa inyo.

Offline mode

Tuwing mag-ooffline, kaming nasa branch ay nahihirapan magpaliwanag sa mga kliyente. Lalo na kung nagsimula nang uminit ang kanilang ulo. Ito’y isang bagay na hindi namin maiiwas sa kanila; kanilang karapatan. Maraming nasasayang sa kanilang mahalagang oras kaya nauunawan namin kung sila’y maiinis o magagalit.

Pero natutuwa at nagpapasalamat ako sa mga kliyente na pagkatapos mapaliwanagan ay uupo at maghihintay ng tahimik sa muling pagka-online ng system. Merong magbabasa ng diyaryo. Merong magsasagot ng crossword. Yung iba maglalaro ng Candy Crush o 4Pics 1Word. Iba ibang paraan pero isa lang ang katangiang pinapakita: Ang kakayahang maghintay.

Sanhi ng pagka-offline.

Una, may problema sa internet connection. Maaring may naputol na linya ng internet provider dahil sa aksidente o hindi magandang panahon. Pangalawa, may problema sa pangkalahatang sistema. May mga offline na tumatagal ng 15 hangang 30 minuto. Meron din naman na umaabot ng oras, depende sa sanhi at sa kalawakan ng sakop nito.

Ang pag-ibig at offline

Paano kung ang love life mo ang biglang ma-OFFLINE? Walang usad. Nganga. Hindi alam kung kelan manunumbalik. Paano ka magre-react?

Minsan, para tayong mga depositor. “Lord, na naman? Anuba naman yan? Gaano pa katagal? Pag ganyan lagi lilipat na lang ako ng bangko.”

Okay, exaggerated lang. Hindi nga tayo ganun mangusap kay Lord. Kaso wagas lang kung maka-quote ng “I need somebody to love” o kaya “I’m just a girl, standing in front of a boy, asking him to love me.” Sa sobrang pagkainip, kahit sino na lang pwede. Pwede nating sabihin na hindi tayo nagde-demand sa mga panahong offline ang love life. Pero kung i-open heart surgery tayo ni Lord ngayon, ano ang makikita Niya sa loob?

Habang nagsusulat, naisip ko, hindi katulad ng bangko ang mga plano ni Lord na may downtime. We think He bugs down on us, leaving us clueless and anxious — sometimes, desperate and hysterical. Pero eto tandaan mo, He never goes OFFLINE.

Akala mo lang wala pero meron, meron!

Kahit na may moments si Lord na sobrang tahimik Niya, hindi ibig sabihin wala Siyang ginagawa. Akala mo lang wala, pero meron. Meron!

Hintay-hintay rin pag may time

At kung wala kang time maghintay, gawan mo. I hope we learn to respond the way an understanding depositor does. Ang maupo at gumawa ng ibang bagay na makabuluhan habang naghihintay.

May isang kliyente na paulit-ulit nagtatanong kung na-online na. Siguro sa sobrang inis, umalis na lang siya. Sakto, nag-online pagkaalis niya. Kung nakapaghintay lang siya ng konti pa. Ay, sayang…

I waited patiently for the LORD; he turned to me and heard my cry.

Psalm 40:1

4 thoughts on “When your love life goes OFFLINE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s