Ang Asin at ang Paminta

Quick post:

Ang ika-1 ng Hunyo ay isang mahabang araw para sa lumang tao ng Lumang Tsinelas. Maaga pa lang ay bumangon na ako para maghanda at magtungo sa tagpuan ng mga Security Bankers sa Ortigas Ave. Ngayon kasi ipinagdidiwang ang ika-62 na anibersaryo ng pagkakatatag ng bangko. Pinaghandaan nila kami ng isang araw ng saya sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan.

Las_Casas_Filipinas_de_Acuzar
Photo credit: Jeramie Villanueva

Pero saka na ako magkukwento tungkol sa mga pangyayari sa araw na’to. Gusto ko lang muna ibahagi ang pawisan ngunit masaya naming tanghalian.

Bakit pawisan?

Dahil sobrang init sa lugar nung mga oras na iyon. Idagdag mo pa ang dami ng mga empleyado at mga kapamilya nila. Umabot ng 35 degrees Celsius ang temperatura. Pinagmamasdan ko ang mga serbidor at serbidora sa buffet tables at namangha kung paano nila kinakaya ang pagsuot ng mainit na Filipiniana. Naisip ko, paano kaya kung hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang kasuotan? Paano kung ang pagsusuot ng skimpy shorts at sleeveless tops ay isang kahindik-hindik na pangitain? Pinaalala ni Mama, na isa sa mga kasama ko sa outing, na noong panahon nila Jose Rizal, wala pang global warming. Okay lang kahit balot na balot ng kasuotan ang mga tao.

Bakit masaya?

Pawang mga pagkaing Pilipino ang inihanda nila sa hapag. Bukod sa mga sapin-sapin at iba pang kakanin, mayroon ding mga sariwang prutas para sa panghimagas. Sadyang mainam sa katawan! Habang kumakain ng pinya, naisip ko na mas masarap kung isasawsaw ito sa asin.

Fresh fruits!

Nag-abang ako ng serbidor para manghingi pero walang napadaan. Nang bigla kong mapansin ang salt and pepper shakers sa gitna ng mesa.

“Ay, eto pala yung asin! Kakulay kasi nung lalagyan yung mantel.”

Bago magtaktak ng asin sa pinya, naalala ko ang isang metapora ng asin at paminta at ng pag-ibig. Ikinwento ko kay Jowell, ang co-teller ko na tanging kasama kong naiwan na nanghihimagas ng pinya, ang metapora na napanood ko sa pelikulang Fireproof.

 

Ang asin at paminta at ang pag-ibig

Sabi sa pelikula, and I quote, “Salt and pepper are completely different. Their make-up is different, their taste and color. But you always see ‘em together.”

Dinampot ko ang shakers at sinabing, “ang asin at paminta ay parang pag-ibig.”

He looked at me with an oh-no-she’s-going-to-preach-again look. (Wag na kumontra. Alam ko mga tingin mo). Teehee. Pero nagpatuloy parin ako sa pagkwento..

Ang asin at paminta ay dalawang magkaibang rekado. Pero bakit kahit saan ka pumunta, palagi magkasama ang dalawang ito? It’s because they complement each other. Ang asin, pag binudbod mo, lasang asin. Ang paminta, pag binudbod mo, lasang paminta. Mabubuhay silang dalawa kahit magkahiwalay ilalagay. Pero mas mapapalabas ng asin at paminta ang linamnam ng pagkain pag magkasama sila. Bakit? Ewan ko, tanungin mo yung chef. Hehe. Pero kumbaga sa chemistry, may synergistic effect.

Parang ikaw at ang iyong kapareha. Kung nahanap mo na siya, yehey. Congratulations, bigyan ng jacket! Kung wala pa siya, siguraduhin mo na ikaw ay parang asin o paminta na. Buo na ang pagkatao mo. Yung tipong pag nilagay ka sa isang lugar, you will achieve great things and serve out your purpose. Hindi yung hinihintay mo siya para mabuo ka. Bagamat pag dumating siya, you two will achieve even greater things together. Yeah, like salt and pepper.

Ngumiti si Jowell na parang gusto sabihing, “Maam, kumain ka na lang diyan.”

And now, off to bed for a good night sleep!🙂

P.S.: Pag may time, bibili ako ng isa sa mga cute salt&pepper shakers na’to🙂

3 thoughts on “Ang Asin at ang Paminta

  1. (biglang umilaw yung bumbilya sa ulo ko….) tanong: bakit walang sugar and salt shakers? bakit palaging salt and pepper?

    sagot: kasi pagka salt at sugar, kino-kontra nila yung lasa ng bawa’t isa hindi katulad ng asin at paminta, they complement each other.

    (woohooo! salamat ate katarina🙂 )

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s