Dyan lang po sa may Kalayaan

Araw ng Kalayaan

Hunyo ika-labingdalawa, taong dalawang libo at labingtatlo. Isang daan at labinglimang taon ang nakalipas buhat nang pinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Kalayaan ng Republika ng Pilipinas. Isang malaking pagdiriwang ang araw na iyon sa Kawit, Cavite dahil napagtagumpayan ng mga mandirigmang Pilipino ang laban sa mga Kastila. Pagkatapos ng 300 na mahahabang taon, nakamit ng ating mga ninuno ang kalayaang matagal na ipinagkait.

Ngunit, maraming mga dalubhasa ang hindi naniniwala dito. Pagkatapos raw kasi ng araw na iyon, sumailalim naman tayo sa pananakop ng mga Amerikano at sumunod ang mga Hapon. Ilang taon rin ang lumipas, nagdusa naman ang Pilipinas sa ilalim ng isang diktadurya. Napaalis man ang diktador pagkatapos ng halos dalawang dekada, hindi parin makawala ang bayan sa tanikala ng korupsiyon at kahirapan. Idagdag mo pa ang kapitalismo at maraming pang mismo.

Tunay nga bang malaya angPilipinas pagkatapos ng unang pagwagayway ng bandila at pagtugtog ng Lupang Hinirang? Kailangan nga ba ang unang Araw ng Kalayaan?  Hangang ngayon,  malaya pa rin ba tayong maituturing?

Neil at Fort Santiago
Neil at Fort Santiago

Tunay na Kalayaan

Wala kang tanikala ngunit bilanggo ka ng iyong bisyo.

Wala kang piring ngunit nabubulag ka ng iyong makasariling hangarin.

Wala kang busal ngunit tikom ang iyong bibig sa mga madilim mong sikreto.

Malaya tayo.

Malaya tayo saan?

“I tell you the truth, everyone who sins is a slave to sin.” John 8:24

Ang kalayaan natin bilang Pilipino ay nakamit na ng mga magiting na Katipunero. Pero hangang doon lang ang kaya nilang gawin. Ang kalayaan mula sa bilanggo at oppresyon ng kasalanan ay nakay Hesus lamang.

“If the Son sets you free, you will be free indeed.” John 8:36

Ito ang tunay at ganap na tagumpay, na kalayaan.

Mabuhay ang mga malaya!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s