To my dear sisters

Ang Munting Gamu-gamo

Nabasa o narinig mo na siguro ang kwentong ito. Pero kunwari na lang di mo pa alam…

Minsan, may isang munting gamu-gamo. Palipad lipad siya sa maliit na silid ng batang si Pepe. Isang gabi, gamit ang tanglaw ng isang lampara, matiyagang tinuruan si Pepe ng kanyang inang si Teodora.

Hindi sila alintana ng munting gamu-gamo sapagkat ang kanyang atensiyon ay napukaw ng liwanag mula sa lampara. Ang liwanag, tila’y nakakahalina. Papalapit na ang munting gamu-gamo nang biglang pinigil siya ng kanyang ina.

‘Wag kang lumapit, baka ika’y masunog, babala nito.

Ngunit ina, ako’y titingin, lilipad-lipad po lamang. Mabuting pag-iingat po ang aking gagawin.

At patuloy na lumapit ang munting gamu-gamo sa ningning ng liwanag. Maya-maya pa ay narinig ang isang nakakapanglaw na sigaw. Laking gulat ng inang gamu-gamo nang makita ang anak na sa sahig ay nakahandusay, mga munting pakpak sa init ng apoy ay nalapnos.

Source: thepinoywarrior.com

Ang gamu-gamo

Mga kapatid kong kababaihan, ang pag-ibig ay kadalasan parang apoy sa munting lampara. Ilang beses na nasunog ang iyong mga pakpak sa pag-assume na ang kaibigang mong binata ay may lihim na pagtingin sa’yo? Ilang beses ka na lumagpak sa lupa sa pag-aakalang ang closeness niyo ay walang halong malisya at ikaw ay hinding hindi, kalianman masasaktan kung ikaw ay kanyang biglang iwan at hindi pala ligawan? Marami?

Ang apoy sa lampara

Pero ikaw na munting gamu-gamo, alam mo bang ikaw ay pwede ring maging isang apoy sa lampara? Ang mga maiinit mong ngiti at nakakaaliw mong halakhak ay maari ring makalapnos ng pakpak ng kaawa-awang binatang gamu-gamo. Tayong mga babae, galit sa mga lalaking pa-sweet at hindi marunong mag-ingat sa puso ng mga babae. Pero minsan, tayo itong pa-FALL. (Iba pa yung pa-ASA).

Dun muna tayo sa pa-FALL.

Dalawang bagay lang yan: Sinasadya at hindi sinasadya. Kung sinasadya mo maging pa-fall, neng, tigilan mo na yan. You reap what you sow. Kung hindi mo sinasadya at kunwari totally clueless ka, para sa’yo ‘to. Para malaman mo kung saan banda ka nagiging pa-FALL.

Paano maging pa-fall? (Lahat ng ito ay sinang-ayunan ng mga guys mismo)

1. Replayan lahat ng text ni guy. Sabi nga sa kanta, it starts with one hello.

2. I-update mo si guy sa halos lahat ng ginagawa mo. Simula sa oras ng paggising mo hangang sa anong pinapanood mong teleserye sa gabi. Para ma-feel niya na super close na kayo.

3. I-like at mag-comment sa lahat ng post niya. Para ma-feel niya na may pake ka sa mga life events niya.

4. Magpasama sa mga lakad katulad ng pagbili ng bagong ballpen, bagong kurtina sa Divisoria, o bagong shade ng lipstick– kahit na pwede naman magpasama sa iba o kaya mo naman mag-isa. Para ma-boost ang ego niya pag nakatulong siya sa’yo.

5. Sumama ka kay guy pag ininvite ka niya na kumain sa labas at pag tinanong kung anong meron, ang sagot niya ay wala lang. Para ma-feel niya na gusto mo talaga magspend time sa kanya.

6. Magsuot ng mga damit na kapos sa tela pag kasama mo siya. Mayganun pa? Oo, dahil visual ang mga lalake, the fastest way to a man’s heart is through his eyes.

7. Hayaan mo — wag mong suwayin — na i-trato ka niya with special attention. Afterall, you enjoy the affection. And you want to keep him at bay for whatever purposes it may serve you.

8. Makipagkurutan at hampasan ng braso kay guy paminsan-minsan. Kasi wala lang. Close kayo eh, bakit ba.

Sundin mo lang ang mga steps nato at mahuhulog sya sa’yo. Tapos pag nagsabi ng feelings, maiilang ka at iiwasan mo. Tiyak sunog ang pakpak niya sa’yo.

Whew. Aray. Tinamaan din ako sa mga pinagsusulat ko.

Mga kapatid na babae, may tungkulin din tayo na pangalagaan ang damdamin ng ating mga kapatid na lalake. Oo, may damdamin din sila (hindi lang halata). At alam ko, sadyang maganda tayong nilikha ng Diyos kaya kasalanan ba natin na ma-fall sila? Maari. Don’t let the Enemy use you as a stumbling block to your brothers. Let’s be vigilant about how we act towards them because we’ll never know what truly is our effect to a specific person. Guys can be sooooo insensitive when it comes to guarding our emotions but we can be equally and carelessly clueless, too.

image

As the Apostle Paul’s reminder to the Corinthians goes:

“We put no stumbling block in anyone’s path, so that our ministry will not be discredited. Rather, as servants of God we commend ourselves in every way: in great endurance; in troubles, hardships and distresses; in beatings, imprisonments and riots; in hard work, sleepless nights and hunger; in purity, understanding, patience and kindness; in the Holy Spirit and in sincere love; in truthful speech and in the power of God; with weapons of righteousness in the right hand and in the left…”
2 Corinthians 6:3-7

My dear sisters, guarding our brothers’ heart can be old-fashioned and inconvenient at times but it honors the Lord. Like I said in my previous post, it’s never about following a set of rules but wanting to honor God with our thoughts and actions. I challenge you–men and women–to rally and stand for a cultural revolution of singles fighting side by side for emotional and sexual purity.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s