Ang Hindi Magmahal

Bago ako tuluyang talunin ng antok at pagod, nais ko munang magbigay pugay sa da one en onli Pambansang Bayani, si Gat Jose Rizal. Ngayon sana ay ang kanyang ika-152 na kaarawan. Yun ay kung maka-survive siya sa dami ng carcinogen at polusyon sa panahon ngayon.

Marami sa atin, lalo na sa henerasyon ng mga Power Rangers at pataas, ay hindi na nakakakilala, nakakaalala o nakakaintindi sa ginawa ni Dr. Jose Rizal para sa ating bayan. Marami akong kaklase noon na tinutulugan ang Noli at El Fili.
image

Kapag may nagsasalitang foreigner, tiyak may mag-aalok sa’yo ng tissue. Bakit? Nakaka-nosebleed daw kasi. Pero okay lang yun. Understandable. Kaya nga tinawag na banyagang wika. Hindi ito natural sa’tin.

Ang hindi okay ay kapag na-nosebleed tayo sa’ting sariling wika. Nakakalungkot isipin na maski tayong mga Pilipino ay hirap na aralin, intindihin, at isapuso ang pag-gamit ng Filipino.

Sabi nga ng hero natin:

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,

I’m not saying we can live without English. For me, English proficiency is very important. My favorite subject in highschool was even English. It’s an important skill in this globalization era. And I’m proud that we are the top English-speaking country in Asia. But it doesn’t give us excuses not to love our own language.

Bakit hero ko si Rizal?

Simple lang. Hindi niya kinailangan magpakitang gilas gamit ang itak. Lumaban siya sa himagsikan gamit ang dalawang malupit na sandata: utak at pluma. Hindi siya nagpadanak ng dugo. Minulat niya ang isip ng mga Pilipino para magkaroon ng pakialam at pagmamahal sa ating bayan. Ang pagmamahal na iyon ay nagasilbing mitsa para mag-alab ang damdamin ng mga magigiting na Katipunerong nagbuwis ng kanilang buhay. Higit itong makapangyrihan sa taga ng itak dahil kaya nitong tumagos sa puso, diwa at kamalayan ng isang henerasyon at mga susunod pa.

image
Mga yapak ng isang bayani

Sana ay hindi manatiling subject sa kolehiyo ang buhay ni Rizal. Sana ay isapuso ito ng mga kabataan at subukang tularan ang pagmamahal niya sa’ting bayan.

Kapagka ang baya’y sadyáng umiibig
Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
(Sa Aking Mga Kabata)

Mabuhay ka sa aming mga puso, Gat Jose Rizal.

Mabuhay ang pagmamahal namin sa ating Inang Bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s