My heart on time-delay

Sa mundong nagsasabing kailangan mo ng boyfriend/girlfriend para maging masaya, mahirap manatiling single. Kahit pa gustuhin mo, mahirap kung ang paligid mo ay nagsusumigaw na masarap ang magmahal at mahalin. Nandyan ang mga kantang nakakadala ng damdamin. Nagkalat din ang mga marketing strategy na nagsasabing bilihin mo ang produkto nila para tumaas ang value mo. Para bang ikaw ay isang produktong kailangan ding bumenta.

Madalas akong matanong na, “bakit wala kang boyfriend?” Ang gagawin ko, tititigan ko yung nagtanong at sasabihing, “Mind your own business.”

Hehe, jooooke. Ang totoo, bibiruin ko siya nang, “hindi mo kasi ako hinahanapan.” Minsan naman, pag medyo seryoso yung kausap ko, seryoso rin ang sagot ko. Simple lang, “hindi pa kasi dumadating yung taong para sa akin.” Naksss.

At sure ball ‘yon, may follow up question na, “pero gusto mo pang magka-boyfriend?” Ang sagot ko, “Oo naman.” Masarap naman talaga magmahal at mahalin. Ang tanong, bakit ako magbo-boyfriend?

Bakit ako nag-boyfriend NOON? Eto ang top 3 reasons:

1. Para mas inspired.
2. Uso.
3. Para cute lalo na pag monthsary may flowers and teddy bear.

Kala ko noon, ang ibig sabihin ng pagmamahal ay pag-alay ng iyong buong puso sa taong mahal mo. Yung handa ka magsakripisyo, magtyaga at umunawa sa kanya. Madalas, kahit pa mali na ang ginagawa mo. Wala eh, mahal mo, ika nga.

Pero hindi pala. Ang tunay na pagmamahal pala ay ang pag-alay ni Hesus, hindi nang buong puso kundi, ng buong buhay niya para sa’kin, para sa’yo.

“We love because He first loved us.”
1 John 4:19

Nalaman ko na mababaw pala ang pagkaintindi ko sa salitang MAHAL; na isa akong hangal sa pag-aakalang kaya kong magmahal noon kahit hindi ko pa nararanasan ang tunay at wagas na pagmamahal ng Panginoon.

Nalaman ko na wala nang mas i-inspired pa sa taong inlab… kay Lord. At mahuli man sa pausong H.H.W.W. P.S.S.P. (Holding hands while walking pa-sway, sway pa) ng mga lovers, ayos lang kasi IN ka naman — INLAB… kay Lord. Oha. At wala nang mas ku-kyut sa taong nagniningning ang mata’t abot-tenga ang ngiti dahil inlab… kay Lord.

Ano pa bang hahanapin ko? Wala na, di ba? Pero kung gugustuhin ni Lord na magboypren ulit ako, “bakit hindi, matabang binti?!”

Ang pinagkaiba ngayon, ang top 3 reasons ko kung bakit, kung sakali, magboboypren ulit ako:

1. To exemplify Christ’s unconditional love by selflessly serving my partner

2. To raise up children, citizens of this world who fears the Lord and walk in His ways (children agad? Kung nagboypren ka tapos hindi pa pala handa mag-commit para kang nag-free taste sa mall and take note: naubos mo lahat ng sample pero hindi mo naman binili).

3. To encourage and guide other couples towards a God-centered relationship

Ang isang bangko ay protektado ng time-delay lock. Ibig sabihin, hindi mo mabubuksan ang vault hangang hindi pa lumilipas ang bilang ng oras na itinakda. Kahit anong pihit, pindot at tumbling mo dyan, lalawit na ang dila mo sa pagod, hindi mo parin mabubuksan yan.

Sa kabila ng nag-iingay na mundong gustong pumi-BB teens, dalangin kong siย Lord ang mag-set ng time-delay sa puso ko para ito’y maging STILL at walang ibang maka-STEAL.๐Ÿ˜‰

image

7 thoughts on “My heart on time-delay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s