SONA o SO-what?

Ngayong araw, ika-22 ng Hulyo ng taong 2013, ipinahayag ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang ika-4 na SONA o State of the Nation Address sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City.

Kung para sa kanya, tayong mga mamamayang Pilipino ang Boss niya,  ito ang kanyang report para sa atin.

Bilang isang pribadong empleyado, bayad ako hindi para manuod ng telebisyon at tumutok sa SONA kahit gustuhin ko pa. Kaya naman, salamat sa internet, marami akong pwedeng pagpilian kung paano ako, bilang isang Pilipino, ay maaring makialam tungkol sa lagay ng bayan ko.

Pinili kong basahin ang kabuuan ng pahayag sa:

Benigno S. Aquino III, Fourth State of the Nation Address, July 22, 2013

At kung hindi ka pa nakikibalita, tigilan muna ang kaka-Facebook dyan at makialam na.

Mahaba-habang basahan (o panoorin) ito pero ito’y dapat at kailangan.

At sa dami ng magagandang ibinalita ng ating Pangulo, ito ang pinaka-tumatak sa akin:

Sa bawat Pilipinong nagtitiwala sa kapangyarihan ng maliliit na anyo ng kabutihan: Kayo nga po ang gumawa ng pagbabago. SONA po ninyo ito.

Naalala mo yug feeling na papasok ka sa skul para makinig (kunwari) sa report ng iba pero hindi mo alam, tayo pala ang nakatoka? Report pala natin ito!

Kung taas-kilay kang nagtatanong ano na ang nagawa ng administrasyong Aquino, tanungin mo rin ang sarili mo: Ano na ang nagawa ko para sa bayan ko?

image

Kung taas-noo mong masasagot ang tanong na ito,  mabuhay ka. Pero kung kamot-ulo kang titingin sa langit dahil wala kang maisip na naitulong mo sa pagsulong ng ating bayan, paki-zipper muna ang iyong bibig at magsimulang kumilos. Galaw-galaw din pag may time.

Wag tayong mapagod sa paggawa ng tama at maninindigan laban sa mali. Wag tayong mag-walang kibo at ibato ang sisi sa iba.

Patuloy nating itaas ang ating bansa sa panalangin. Kasabay nito ang walang pagod nating pag-ambag, sa ating mga maliit o malaking paraan, tungo sa tunay na pagbabago.

Buti na lang mabait si titser. May next year pa at sana sa susunod na SONA ay kasabay na tayo ni P-Noy sa paghahatid ng magagandang balita ukol sa lagay ng ating bansa.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s