Want a Free Burger at Burger Company?

Dahil naka-5,001 hits na ang Lumang Tsinelas (palakpakan!), naisip kong manglibre ng burger sa bagong bukas na Burger Company PH sa Quezon City.

image

Bukod sa makaka-date mo ako (HAHAHA) But wait, there’s more, matitikman mo pa for FREE ang isa sa mga super duper mega over delicious burger ng Burger Boss na si Alvin Ong. Rember him? Siya ang pasimuno ng mga underwater adventures namin sa Masasa, Magalawa, at Malapascua.

Ang mga burger niya ay gawa lang naman sa CAB o Certified Angus Beef. Meron daw pala kasing iba’t ibang grading ang mga karne ng baka. (Antaray ng mga baka). Nung pina-explain ko, nagdugo yung ilong ko. Ang dami niyang sinabi pero ang naintindihan ko lang ay mataas na level ang CAB. Period.

But wait, there’s more ulit, burger patty pa lang yung pinag-uusapan natin. Wala pa yung mga dressing. Natikman ko yung Green Chile Sour Cream Burger. Kung trip mo yung spicy plus may kakaibang kick, eto yun, mehn.

Kung di ka pa naman natakam sa sinabi ko, hetong sampol na litrato:

image

So, kung excited ka na ma-meet and greet ako, excited na rin ako. HEHEHE. Joke lang. Syempre, IKAW at ISA pang tao na gusto mong isama ay may tig-isang free terrific burger sa Burger Company PH. At kung papayagan ako ng Burger Boss, ako mismo ang mag-seserve sa inyo.😉

Simple lang ang gagawin mo: Manghuli ng tig-5 itim at pulang langgam, pakuluan ito sa loob ng 10 minuto, palamigin, salain gamit ang katsa, ilipat sa lumang garapon ng peanut butter, sulatan ng “From Russia, with Love” sa labas gamit ang green na marker, at paanurin sa Ilog Pasig.

Ang dali, di ba?

Joke lang. Eto na yung totoo:

1. I-share ang post na ‘to sa’yong Facebook timeline.

2. Sagutin: SINO ANG TAONG NAGING MALAKING BAHAGI NG PAGLALAKBAY NG BUHAY MO? AT BAKIT?(Hindi kailangang jowa)

3. I-tag ang taong yun at ang @Lumang Tsinelas. Remember, di ko makikita ang sagot mo pag wala ‘to.

Sampol:

“Naging malaking bahagi ng buhay ko ang Mama ko dahil siyan ang nagturo sakin ng mga bagay-bagay katulad ng pagdodrowing, pagko-cross stitch, pagburda, pagsasaing, pagluluto ng hotdog, pagpalit ng lampin ng bata, at higit sa lahat, paano magmahal ang isang ina.” (Awww) @Nenita Campomanes @Lumang Tsinelas

Ang dali lang talaga, di ba? Hangang sa August 19, 2013 pwede magsubmit ng mga sagot niyo. Hihintayin ko. Oh, ano? It’s burger time!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s