Kamusta ang crush mong hindi ka crush?

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Hindi ko pa napapanood at hindi ko binabalak  panoorin.

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Ang hirap sagutin at hindi ko binabalak sagutin.

Isang gabi, habang napapanood ang patalastas ng McDo na “Kuya”, naalala ko ang isang kaibigan.

Kamusta crush mo?

“Yna, nag-smile na siya sakin.”

Ilang taon na niyang crush itong isang guy na’to. Ilang taon siyang humanga, nagmasid, at pasimple (note: pasimple) na umasa para sa crush niya. Katulad ng kapatid ni Kuya sa McDo.

Limang taon.

Hindi ko nga alam bakit. Maganda naman siya. May mga manliligaw. Kung gugustuhin niya ng instant jowa, kaya niyang magkaroon at higit pa sa crush niya. Kaya naman medyo bilib din ako sa kaibigan kong yun. Bibigyan ko siya ng five stars for mastering the Art of Waiting. Certified Abanger.

image

Ang hindi lang ako aprub ay wala siyang ginawa sa loob ng limang taon. Hindi siya nagpaka-stalker, nag-iwan ng Anonymous love letters sa locker ng crush niya, o kumuha ng hibla ng buhok para ihalo sa gayuma. Hindi ko sinasabing gawin niya yun, ah. Ang akin lang, wala siyang ginawa. Wala siyang ginawa kundi umasa na isang araw ay papansinin din siya ng crush niya.

Bakit hindi siya crush ng crush niya?

A. Torpe si crush
B. Studies first ang peg ni crush
C. Naghahanap pa ng trabaho para stable bago manligaw

Yan! Yan ang mga magagandang palusot dahilan na naimbento ng kaibigan ko para ma-justify niya bakit di siya crush ng crush niya at kailangan niyang maghintay pa.

Isang gabi, nag-message siya.

“Ynaaaaa! May jowa na si *toot*!” sabay iyak-tawa.

Ang sagot ko sa kanya, “Kapag di ka crush ng crush mo, torpe agad? Di ba pwedeng letter D. None of the above? Di ba pwedeng may crush na siyang iba?”

Sana lang may ginawa siyang iba maliban sa mangarap ng gising sa loob ng limang taon.

Okay lang naman magka-crush. Normal. Bahagi ng paglaki. Required na sagutin sa slum book, “Who is your crush?” Kaya lang, siguraduhin mong:

1. Hindi iikot ang buhay mo sa kanya. Obsession na yan.

2. Hindi ka magpapakahirap i-upgrade yung sarili mo with the hope na maging “worthy” ka maging crush din ng crush mo. Seeking for approval na yan.

3. Hindi mo ire-reject itong isa pang guy na crush ka, di torpe, may stable job, at higit sa lahat, mahal si Lord dahil sa crush mo. Nagmamaganda ang tawag dyan.

Biro lang. Ang totoo, para mo na ring sinabi na mas importante crush mo kesa sa mga plano sayo ni Lord, si Lord na True Love mo. At ang ending pala, hindi naman siya yung plano Niya para sa’yo katulad ng nangyari sa kaibigan ko.

Sabi ko sa kanya, magpasalamat ka na rin na nagkaron na ng jowa ang crush mo. At least, kumbaga sa multiple choice, bawas na ang pagpipilian mo. Pinapatag lang ni Lord ang dadaanan mo para sa’yong red carpet walk pag time mo na mag-shine bright like a diamond.

Kaya kahit di ka crush ng crush mo, smile ka din at wag konti lang. Lakihan mo!

image
Source: memecrunch.com

2 thoughts on “Kamusta ang crush mong hindi ka crush?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s