UITF, ano ‘yon?

Nabanggit ko sa nakaraang post ko ang pattern ng kahirapan sa mga pamilyang Pilipino at ang UITF. Ano ‘yon?

Ang UITF o Unidentified Intra-Terrestrial Friend ay isang nilalang na nagmula pa sa planeta ng Takurong at bumisita sa ating mundo upang pag-aralan ang sining ng pagse-selfie at larangan ng Candy Crush. Higit sa lahat, ito ay pawang imbento ko lamang.

Yung totoo, ang meaning ng UITF ay Unit Investment Trust Fund.

Hindi na ako magpapaka-technical sa definition ko ng UITF. Si Sir Randell Tiongson po ang expert doon. Basahin ang blog niya sa link na ‘to:

The Best Performing UITFs in 2012.

Kung may time, bisitahin mo na rin ang website ng Security Bank. Diyan mo makikita ang mga FAQs ukol sa UITF.

Frequently Asked Questions about UITF

Kung nagnosebleed ka sa nabasa mo, para sa’yo ang blog na’to.

Maraming nag-aakala na ang UITF ay pangmayaman lang. Well, siguro dati. Pero hindi na ngayon. Ang UITF ay para na rin sa ating mga ordinaryong empleyado at naguumpisang negosyante.

Ano ang UITF?
Sa madaling sabi, ito ay pondo ng iba’t ibang tao na ipinagkakatiwala sa isang trustee (kadalasan ay isang bangko) upang iinvest at kumita. Para ‘tong paluwagan in a sense na mag-aambag ka ng pera sa isang kaban. Tapos, ipapahiram ito sa iba na may kasamang interes. Pag binawi mo na ang pera mo, may kasama nang tubo ito.

Saan iniinvest ang UITF?
Pwedeng iinvest ng trustee ang pondo sa marami at iba’t ibang bagay. Pwedeng iinvest sa gobyerno, sa mga pribadong kumpanya, stock market, or all of the above.

Paano mag-invest sa UITF?
Pumunta ka sa trustee o bangkong mapipili mo at bumili ka ng units. Kaya siya tinawag na unit investment.

Magkano ang isang unit?

Ang halaga ng isang unit ay magkakaiba depende sa kung saan mo gusto iinvest ito, kung sa gobyerno, sa pribadong kumpanya, o both. Nag-iiba rin ito halos araw-araw depende sa takbo ng ekonomiya. Kung maganda, mataas ang halaga at vice versa.

Ang halaga ng isang unit ay tinatawag na NAVPU o Net Asset Value per Unit.

Ilang units ang pwede kong bilihin?

Ikaw ang bahala, kahit one to sawa. Pero ang minimum na halaga, sa halos lahat ng bangko ngayon, ay P 10,000.

Hindi kailangan na maging CPA, engineer, o rocket scientist para matutong mag-invest sa UITF.

Simple lang ang equation at, oo, pwedeng pwede gumamit ng calculator. Para ka lang namamalengke.

Ganito:

Amount of investment ÷ NAVPU = No. of units

Sa Tagalog:

Pambili ÷ Presyo = Ilan ang nabili

Kunwari may P10,000 ka, kukunin natin ang NAVPU ng Security Bank for today (as of September 5, 2013) ganito ang sample computation:


image

Ngayon, meron ka nang 8,199.161 units.

Paano kikita sa UITF?
Pagkalipas ng ilang linggo o buwan, depende sa patakaran ng trustee, pwede mo nang bawiin ang ininvest mo.

Kunin mo lang ang bilang ng units mo at i-multiply sa NAVPU sa araw na iyon. Kunwari — KUNWARI lang, ah — ang NAVPU sa araw na kukunin mo na ang investment mo ay 1.319398.

No. units × NAVPU = Investment return

Sample ulit:

image

So, kumita ka ba? Ibawas mo lang ang investment return mo sa initial investment mo.

Halimbawa:

image

817 pesos lang? Wag mong nila-lang ang P 817 na yan.

Dahil:

1. Kung idedeposit mo sa ordinayong savings account yang P10,000 mo, hindi yan tutubo ng 817 kahit sa loob ng tatlong buwan. Baka mas mahal pa ang kape o milk tea mo kesa sa tubo na makukuha mo.

2. Kunwari lang naman ang NAVPU na ibinigay ko. Paano kung gumanda ng gumanda ang takbo ng ekonomiya at umabot sa 2.213679 o higit pa ang NAVPU? Oh, ikaw na magcompute niyan. May calculator ka rin naman, I’m sure.

3. Sa maliit naguumpisa ang malaki.

Ayan, sana may natutunan kayo tungkol sa UITF. Katulad ng sinabi ko sa previous post ko, hindi kailangan magpatuloy ang gulong ng kahirapan sa ating henerasyon. Alam mo ba, mga 2 years ago, P50,000 ang minimum investment sa UITF. Ngayon, pinababa na. Konting tipid at ipon na lang, pwede na tayong mag-invest. Thank God, di ba?

Kung may magagawa tayo, bakit hindi?

Comment o email lang pag may tanong. Wag na mahiya, libre ‘yon.😉

6 thoughts on “UITF, ano ‘yon?

    1. Hi, Girly! Apir! Mr. Randell Tiongson and I serve in the same church. He’s really a person to look up to. At syempre, mas kakilala ko siya kesa sa kilala niya ako. Naman… Randell Tiongson is Randell Tiongson, di ba?😉

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s