Mga Ugaling Pilipino na Hindi Dapat Tularan

Ayon sa DISC Personality Test, ako raw ay I-C o Influential-Conscientious. Parte ng himulmol ng pagkatao ko ang makapansin ng “areas for improvement” sa paligid ko at manghimok ng mga tao para tumulong sa vision kong “Better Ways of Doing Things”.

Halimbawa, sa mga relasyon. In a self-seeking world, two persons enter a relationship with the intention to fulfill their selfish desires. Pinanganak ang Lumang Tsinelas to rally people towards a journey to better way of dealing with relational issues and that is only if God is at the center of it.

At syempre, hindi nakalagpas sa mga matang-lawin ko ang mga ugaling Pilipino na nakakayamot, hindi dapat tularan, at tingin ko ay nakakasira sa pag-unlad ng ating bansa.

Ang una sa listahan:

image

May dalawang klase ng mode of transmission (paraan ng pagkalat) ng mga sakit: Direct at Indirect.

Sa ilalim ng direct transmission ay through person-to-person katulad ng kissing at sexual contact. Placental transmission pagsasalin ng sakit ng isang nanay sa bata sa sinapupunan niya.

Sa indirect transmission naman ay:

Airborne – pagsalin sa mga droplet ng laway na naiiwang nakabitin sa hangin

Vehicle-born – pagsalin sa mga kontaminadong kagamitan

Vector-born -pagsalin sa kagat ng mga insekto o hayop

Sa madaling salita, maaring nagkakalat tayo ng mga sakit sa bawat dura natin sa kalsada.

Paano ang maayos na pagdura:

· Dumura sa tisyu at itapon ito sa basurahan
· Dumura ng direkta sa basurahan. Siguraduhin lang na shoot.
· Kung walang tisyu o basurahan at hindi na mapigilan ang pagdura, lunukin na lang ito. Kadiri? Mas kadiri ang mangdamay pa ng ibang tao. At walang namatay sa paglunok ng sariling laway. Our gastric juices are acidic enough to kill bacteria from our saliva.

Hindi mawawala ang corruption pag tumigil tayo sa pagdura kung saan-saan. Pero kahit paano, makakatulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at pag-iwas sa pagkalat ng mga nakakahawang sakit. Matututo tayo na magmalasakit sa kapwa at magkaroon ng disiplina sa sarili.

Inclusive growth ba hanap mo? Sali ka muna sa collective change.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s