Mga Ugaling Pilipino na Hindi Dapat Tularan #2

image

BAWAL UMIHI DITO.
MAY MULTA.

Manong, manong, marunong po kayo magbasa? Kung marunong po kayo magbasa, marunong po kayong umintindi? Kung marunong po kayong umintindi, marunong po kayong sumunod?

Osige, kung hindi po kayo marunong ng kahit alin sa tatlo, marunong na lang po kayo mahiya?

Bukod sa inyo, aso lang po ang nakikita kong walang pakundangan kung umihi sa kung saan-saan. May dahilan po ang Diyos kung bakit Niya tayo ginawa na mas matalino kaysa sa mga hayop.

Bakit mahilig umihi ang mga Pinoy sa kung saan-saan?

A. May nagsabi, mainam daw ang ihi para sa halaman. Nakakatulong daw ito sa mabilis nitong pagtubo.

B. Dahil hindi pa uso ang C.R. noon. Natuto lang naman gumamit ng banyo ang mga Pilipino nang sakupin tayo ng mga banyagang Westerno.

C. Sadyang walang disiplina sa sarili at walang konsiderasyon sa iba.

Sa mga kalalakihan, naiintindihan ko pong mas maiksi ang urethra o anuran ng ihi niyo mula sa pantog kaya mas mahirap sa inyo any magpigil ng ihi. Ngunit, madalang na po ang puno sa Maynila. Tabi-tabi na po ang mga establisyamento na may palikuran sa loob. Karamihan dito ay libre ang paggamit. Kung may bayad man ay napakaliit na halaga lamang nito. May pambili nga kayo ng yosi, limang piso pa kaya para sa pay toilet?

Para naman po sa mga nanay, ‘wag niyo po sanayin ang mga anak niyong lalake na umiihi sa kung saan-saan. Oo nga po, walang malisya dahil bata pa sila pero mali siya. Kung hindi niyo po sila tuturuan ng tamang paggamit ng palikuran, dadalahin po nila iyan hanggang pagtanda.

Tamang paraan ng pag-ihi:

1. Tuwing lalabas ng bahay, magbaon ng tamang disiplina, konsiderasyon sa iba, at hiya sa sarili.

2. I-schedule ang pag-ihi. Wag hintayin na ihing-ihi na bago maghanap C.R.

3. Bawasan ang pag-inom bago lumabas o bumyahe para maiwasan ang mabilis na pagkapuno pantog.

Isa itong kaugalian na akala natin ay maliit na bagay lamang at walang epekto sa nakararami. Ngunit, sa pagdisiplina sa maliit na aspetong ito ay matututo tayong maging disiplinado sa iba pang mga bagay tulad ng pagsunod sa batas trapiko at pagiging matapat.

Sa mga mahilig gumawa nito, ‘wag niyo pong hintayin na mahuli kayo ng pulis at makulong sa bawat pag-ihi niyo nang wala sa lugar. O mas gusto niyo siguro kung ang bawat taong iihi sa kung saan-saan ay tatamaan ng malakas na boltahe ng kuryente at mangingisay sa daan. Tingin mo?😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s