A call to help Yolanda survivors

Quick post:

In light of the catastrophic event of super typhoon Yolanda that made landfall in Visayas last Friday, November 8, 2013, and the relief operations being mobilized as I tap these very words away, I am sharing a note I sent to my two friends yesterday:

“Hindi ako nanunuod ng balita tungkol sa Leyte. Ayoko. Siguro ayoko yung feeling na wala akong magawa, na may bahay ako dito at sila wala, o hindi lang bahay ang nawala sa kanila… pati mga mahal nila sa buhay. Medyo naguiguilty din kasi nung mga panahon na yun, gising din tayo. Sila, umiiyak sa dilim, di alam kung may bukas pa. Tayo, nagsasaya at nagtatawanan na parang walang bukas.

Kahit di ako nanunuod ng balita, nanaginip ako na nandun daw ako sa Leyte. Naglalakad, naghahanap ng mga survivor sa ilalim ng mga gumuhong bahay. Gusto kong maiyak tapos tumunog na yung alarm ko. Nagising nako pero di mawala sa isip ko yung napanaginipan ko. Gusto kong may gawin.

Habang naghahanda ng almusal, pinaalala lang sakin ni Lord na, “hindi mo kasalanan ang nangyari kaya wag ka maguilty. Walang may kasalanan. May dahilan ako bakit ko hinayaan mangyari yan. Wag ka maguilty kung hindi ka mayaman para magdonate ng limpak limpak na salapi at isang eroplanong relief goods. Ako na ang bahala dun. Ang gagawin mo lang ay magdasal at magtiwala sa Akin na naririnig ko ang lahat ng inyong panalangin.

Magpasalamat ka na rin dahil nandyan ka at wala doon. Buhay ka pa. Buhay ka pa dahil may papel ka pa sa mundo. Gampanan mo iyon ng tama habang pinapahalagahan ang buhay na ibinigay ko sa’yo.”

Pasensya na kung masyadong mabigat ang pambungad ko sa inyo. Kailangan ko lang ng makukwentuhan nito. Ang bigat kasi talaga.

Let’s pray for Visayas. And try to help in our little way. May mga contacts ako na nagcocoordinate ng relief ops. Kung may kilala kayong gustong tumulong, text niyo lang ako para maconnect natin sila.

Ingat kayo. God bless.”

After that, I also received this verse:

image

Na-realize ko, walang mararating ang guilt-tripping. Nagpray ako kung paano ako makakatulong sa maliit na paraan. At hindi ko naman kinailangan maghintay ng malahimalang sign mula sa langit para makaisip ng paraan paano tumulong. Kailangan ko lang imulat ang mga mata ko para harapin ang makadurog-pusong realidad ng sitwasyon sa Visayas.

Sa ating lahat, buksan lang natin ang Facebook natin at marami tayong makikita sa newsfeed na paraan para tumulong.

Puntahan niyo rin itong link sa article sa Rappler para sa listahan ng mga government and non-government organizations na pwede nating pag-ambagan.

Pray. Give. Send.

One thought on “A call to help Yolanda survivors

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s