Gandang Di Mo Inakala

Isa’t kalahating araw na ang nakalipas mula nang matapos ang kauna-unang Lead Like Jesus Ignite Student Leadership Facilitator’s Training (whew! ang haba ng title) sa Pilipinas. Ginanap ito sa CCT Retreat Center sa Tagaytay. Read more about Lead Like Jesus here.

Ito’y dalawang araw ng mga session na puno nang mga ginintuang kaalaman tungkol sa pagiging isang lider katulad ni Jesus. Big word… Parang suntok sa buwan ba? Maging leader nga mahirap na, maging leader na katulad ni Jesus pa kaya. Pero sabihin ko sa’yo: posible yun.

Session 1 pa lang, kating-kati na ako magkwento ng mga natutunan ko. Sabi ko, isusulat ko talaga ‘to, kahit anong mangyari. Pero sa dami ng gusto kong isulat, hindi ko alam saan magsisimula.

Pagkagising ko sa umaga, sabi ko, “Lord, saan mo gusto ako magsimula?” Napukaw ang aking pansin ng isang brown paper cup na may nakapasak na maliit na karatula:

image
Miss Earth Award

Nangiti ako.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nanalo ng beauty queen title.

Bandang alas singko na ng hapon at bigayan na ng certificates at special awards. Ang mga special awards ay taimtim na pinag-isipan ng mga magagaling naming trainer-facilitators. May BNY or Boses Ni Yahweh Award kasi magaling siyang mag-modulate ng boses. Pati ang mga ka-tropa kong si Mico ay Dave at nanalo ng special award dahil sa pagsayaw-sayaw nila habang nag-praise and worship.

Nang dumating na sa Miss Earth Award, hindi pa man ina-announce ang panagalan ay tinuturo na agad ako ng mga kasamahan ko. Sabi ko, bakit ako? Hindi ko na nga narinig ang description nung award. It has something to do with finesse, grace, and keme achuchuchu. Hindi ko masyadong inintindi kasi alam kong good time yun. Natawa na lang ako nang marinig kong tawagin ni Kuya Luis ang pangalan ko.

Malugod ko namang tinanggap ang parangal. Pinaunlakan ko ang photo opp sa harapan. May tatlumpung segundo rin akong nakangisi sa harap, tangay ang “trophy”.

Hanggang pag-uwi, natatawa pa rin ako sa award. Tapos hanggang sa FB, Miss Earth na ang tawag sakin ng mga new-found friends ko.

Sa 30 participants, 5 lang kaming babae. At sa lima, ako lang ang #gupitpogi. It’s the irony of it all, ika nga. Kung sa larangan ng pagandahan, long legs, at crowning glory, tiyak laglag nako sa pre-pageant pa lang.

Inuwi ko ang “trophy” hindi para maalala na minsan, inakala nilang beauty queen material ako (kahit joke), kundi para maalala na hindi kailangang maging totoong beauty queen para maging magandang impluwensiya sa buhay ng ibang tao.

I’ll English it para pang-pageant ang dating:

You don’t need to be a beauty queen to make an impact in the life of others.

“Any time you influence the thinking, behavior or development of a person, you’re taking on the role of a leader.”

-Ignite

Akalain mong ‘yon! Kahit wala kang prominent leadership position sa mundong ginagalawan mo, basta nakakaimpluwnesya ka ay isa ka nang leader.

Saludo ako sa mga beauty queens dahil ginagamit nila ang kagandahan para sa mga makabuluhang bagay. Pero para sa mga tulad kong may ordinaryong beauty, wag mong isipin na insignificant ka sa mundong ito. Pwede kang makaimpluwensiya.

Sakto man o pinalaki (30% more) ang ganda mo, if you have Jesus in your heart, you will just overflow and influence those around you more than a tanned-long legged, long flowy-haired woman they see on TV and magazine covers. Wether you like it or not. Pero mas maganda kung I like it mo na than not.

To lead like Jesus, you don’t need to be the real Ms. Earth or Ms. Universe. To lead like Jesus, you only need to have Him first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s