wpid-Galafoundation-hope-in-Jesus.jpeg

Love in Action

Half an hour before I enter the next quarter of my life. In other words, magtetwenty five na ako!

Sabi ng isang kaibigan, tumatanda ka na. Sabi ko, kalabaw lang ang tumatanda. Pero alam nating lahat na hindi totoo ang sinabi ko. Tumatanda ang lahat except kay Benjamin Button.

Pero ayos lang sa’kin ang tumanda kung ang ibig sabihin nito ay lumalago rin ang aking kaalaman at karunungan sa buhay. At mas lalong okay kung kasabay ng pagtanda ay ang pagdami ng admirers, este, ng mga taong napapasaya.

Last Saturday, December 7, 2013, Project Ember held its first outreach event for GALA (Gabay sa Landas) Foundation in Angono, Rizal. Read more about Project Ember and GALA Foundation by clicking on the link.

Here are highlights from the event:

(All photos posted with their guardians’ permission.)

We started the morning with a prayer and by singing praise and worship songs.
image

Ate Jaimee (my high school friend) shared about having hope despite pressing challenges–hope that is in Jesus.
image

Ate Ville inspired the kids to dream again and to hold on to them, for in time, through God’s grace, they will become a reality.
image

Kuya Mico facilitated a game that affirmed of our Father’s love; that He is and will be the parent that secures their identity and their future.

image
image

Sobrang saya makita silang nagsalu-salo sa simpleng handa mula sa ambag ng maraming tao.
image
image

Isang nakakaindak na sayaw ang pinakita nila sa amin. Pati si Kuya Lexus ay napasayaw din ng Whoops kiri!
image

Pagkatapos, si Ate Yna ay nagpasalamat sa mga bata sa kanilang pagbabahagi ng talento, mga ngiti at yakap.
image

Pinamigay din ang mga regalo mula sa isang Kuya na ayaw magpakilala.
image

image

Sabay sabay nilang binuksan ang mga regalo at nagpose sa camera ng may mga di matawarang ngiti sa labi.
image

image

Sayang nga lang at hindi namin nasaksihan ang pagdating ng pinaka-regalo namin sa kanila: Ang mga bagong monoblock chairs at tables na magagamit nila sa group at Bible study. (Delayed ang delivery ng mga produkto!) Pero hindi ito naging hadlang para magpatuloy ang ligaya.
image

Masayang nagpalitan ng mga kwento sina Ate at Kuya at mga bata. Halos hindi kami makausad sa pagpapaalam nang oras na para umuwi.
image

image
image

image

Kung tutuusin, wala pang masyadong alam ang Team Project Ember sa pag-organize ng ganitong klaseng event. Marami pa kaming dapat matutunan. Ang program, walang masyadong pakulo.

Wala kaming mascot (kamuka lang)..
Wala kaming catering..
Wala kaming fireworks..

Kami-kami lang, dala ang nag-uumapaw na pag-ibig mula kay Hesus, ay nagbahagi ng pag-asa at kaligayahan sa mga batang naranasan abusuhin, manirahan sa kalye, at malulong sa masamang bisyo, kahit sa maikling sandali lamang.

At iyan… iyan ang pinakamasarap na birthday na na-icelebrate ko sa nakaraang 24 na taon.

Sooobrang saya! :’)

Nag-uumapaw na pasasalamat

Sa mga bumubuo ng Core Team. Si Aiza, Jowell, at Mela. Sa simula’t sapul, kayo ang matiyagang nakinig at naniwala sa ideya kong ito. Kayo rin ang masugid na naghanap ng sponsors para sa event.

Sa mga sponsors na kahit hindi makakapunta ay nagbahagi ng kanilang mga biyaya. Alam niyo na kung sinu-sino kayo.

Proverbs 18:16 says:
A gift opens the way for the giver and ushers him into the presence of the great.

Pagpalain pa kayo ng ating Ama sa langit!🙂

Sa mga volunteers na nagbahagi ng oras, pagod, at pag-ibig para samahan ang mga bata sa araw na ‘yon. Malaking bagay para sa kanila ang pagbisita niyo. Kay Jaimee, Gab, Ville, Mico, Lexus, Maxine, Tintin, at Neil, thank you pooo! *Chichay bow* Sana ay na-inspire rin kayo sa tapang ng mga bata na harapin ang hamon ng buhay. Huwag po kayong manawa. Sa uulitin!🙂

At higit sa lahat, kay Lord dahil pinakita, pinaramdam, at pinaunawa Niya sa akin ang Kanyang pag-ibig. Kung hindi dahil sa Kanya ay hindi rin namin magagawa o maiisip man lang ang mga ganito.

Tunay na:

We love because He first loved us.
I John 4:19

Muli, hayaan niyo akong magsabi..
image

THANK YOU POOOO!!! *Chichay bow*

*Photo credits: Mico Medel, Ville Gitau, and Maxine Pinson*

Update:

image
25 new chairs and 5 new tables

One thought on “Love in Action

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s