wpid-Family-day1.jpg

Ang Christmas ay Family Day

Family Day kahapon sa school ni Neil. May misa, Christmas-themed class presentations, pa-raffle (na hindi naman ako nananalo ever kahit wall clock), games, photobooth, at mga kainan.

For the nth year now, ganito ang set up ng “family” picture namin sa photobooth.

Kulang ng isa.

Medyo parang nakakalungkot kung iisipin na may malaking empty space sa kabilang side ng family “portrait”. Last year, naalala ko na pinag-pray ko– isang bulong mula sa kaibuturan ng aking puso– sana ay sa susunod na taon, madagdagan kami ng isa, makumpleto na ang pamilya.

2013 na. Dalawa pa rin kami.
image

Hindi ba dininig ng Panginoon ang panalangin ko? Of course not! Naniniwala ako sa kasabihang “God’s delays are not necessarily His denials.”

Minsan, pag hindi dumating yung pinagpepray natin, akala natin ayaw na ibigay ni Lord. Pero God is never delayed. He’s always right on time. Pag hindi pa ngayon, hindi pa perfect time. Hashtag, Keep Calm and Wait on God.

At kung may isang importanteng bagay akong natutunan sa pagiging single-parent, eto yun:

A lack of member doesn’t make a family broken; a lack of love does.

Nandyan si Tatay, si Nanay, at si Anak. Si Nanay ay gabi na umuwi, galing sa trabaho. Si Tatay ay gabi na rin umuwi, galing sa trabaho at sa beer house, amoy sigarilyo, alak, at pabango ng babae. Si Anak ay umaga na ng umuwi, galing sa bar kasama ang mga sosyalerang friendshh (with breyshes), winaldas ang perang pinagpaguran nila Tatay at Nanay.

Kumpleto nga sila pero walang oras, walang respeto, walang tiwala, walang pake sa isa’t isa. Walang LOVE.

Kaya pumili na ako. Doon na’ko sa kulang ng miyembro pero madaming love. Pero alam ko hindi naman gusto ni Lord na magkulang-kulang ang mga pamilya. Ang gusto Niya ay buo ito at umaapaw ang love. Ganoon ang pagka-disenyo Niya sa pamilya.

Kaso, si kalaban ay gagawin ang lahat para sirain ito. Kung titingnan ang statistics ng mga dysfunctionial families, parang nananalo na siya. Hep! Huwag muna siyang magsaya.

Light always triumph over darkness. Tapos na ang laban na ito mahigit 2,000 years ago. Ang Christmas ay isang Family Day dahil kumpleto o hindi, God made a way to make it whole by sending His only Son, Jesus. Through Him we have redemption from our sins that separates us from enjoying a loving relationship with God. Through Jesus, we were adopted as sons and daughters into God’s family. Woah. In Him we experience unconditional love and we can love others the same way.

Ephesians 1:4-6 says,

“For he chose us in him before the creation of the world to be holy and blameless in his sight. In love he predestined us to be adopted as his sons through Jesus Christ, in accordance with his pleasure and will– to the praise of his glorious grace, which he has freely given us in the One he loves.”

Ang isang legal ampon ay may karapatan na sa pamilyang umampon sa kanya. Ganyan ang ginawa ni God para maging parte tayo ng pamilya Niya. Inampon Niya tayo sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang pinakamamahal na Anak, si Hesus. Si Hesus ang tumanggap sa mga parusa ng ating mga kasalanan. Siya ang naging daan para mapabilang muli tayo sa pamilya ng Diyos at tawagin Niyang “mga anak.”

I just thank God for this event at Neil’s school. Naalala ko man kung ano yung wala kami ni Neil, mas nangibabaw pa rin yung truth na we have everything and more than we need: a relationship with Jesus.

Ang sarap, di ba? At heto pa, sinagot na ni Lord ang prayer ko dati pa. Matagal na kaming buo.

Isaiah 54:5

“For your Maker is your husband–the LORD Almighty is his name–the Holy One of Israel is your Redeemer; he is called the God of all the earth.”

Kung may ipapadala si Lord na isang tao para samahan kami sa mga susunod na family picture, bonus na lang ‘yon.

Sa kahit anong pagkukulang sa puso natin, walang materyal na regalo ang kayang pumuno niyan. Hayaan mong si Lord ang bumuo sa’yo at sa pamilya mo. Ngayong Pasko, tanggapin si Hesus sa buhay mo at enjoyin kung paano talaga maging anak ng Diyos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s