wpid-Cotton-holder-toner-lumangtsinelas.jpg

Umayos Ka: Organize your things, Organize your life

“A place for everything and everything in its place,” yan ang motto ko sa de-cluttering session ko kahapon.

Medyo late na. Yung mga FB friends ko tapos na sa annual general cleaning nila bago pa pumasok ang bagong taon. Pasensya naman… I have a kid, a strenous job, and a blog to tend to. Besides, it’s never too late to start something.

Ang saya ko lang na natapos ko ang Operation 5-S (Sort, Straighten, Shine, Standardize, and Sustain) ko at nagawang ganito ang dati naming dumpsite — este kwarto.

image
I repainted and added cute details to this old shelf

Wag ka na maghanap ng picture nung BEFORE. Di ko talaga pinicturan kasi ang sakit-sakit sa mata. Pag nakita mo baka sisihin mo pa’ko pag sumakit mata mo.

Pero kaya naman nagmukang tambakan ang kwarto namin dahi sa pagiging “Thinker” naming mga Corrective (from DISC Personalities). Bahagi noon ang pangungulekta ng mga kung anek-anek.

Natawa ako nang mabasa ko ang tungkol sa Thinker trait ng mga C sa librong Younique (Understanding Others by Understanding You) ni Ptr. Jayson Lo ang mga katagang:

“Avid collector of anything under the sun, including memorabilia, paintings, comic books, and coins…”

Akong ako yun! Ang dami kong koleksyon… Balat ng tsokolate, lalagyan ng tsokolate, keychain, lumang pera, limited edition na pera, barya, Starbucks planner, bote ng mamahaling pabango… muntik pako mangolekta ng stamps nung uso pa ang snail mail.

Akalo ko hindi na ako matatapos sa paglilinis. Ganito kasi ako:
“Ay, ito yung ano nung ano… Ay, baka magamit ko pa ‘to...” Pero ang ending, hindi ko talaga nagamit. Pak!

Ang hirap para sa’kin ang sabihin sa isang bagay — ultimo sa pakupas na resibo — “I have to let you go,” sabay shoot sa trash bin. Sobrang sentimental ko kasi. Tingnan mo, pati pangalan ng blog ko luma.

Kaya naman todo piga ako ng brain cells sa pag-isip kung paano itatabi ang collections ko nang hindi ito nagiging kalat at tada!

image
MnM's chocolate tub na naging cotton-holder
image
Old shoe boxes for school supplies
image
Garapon ng peanut butter na ginawang milk tea holder. Sinama pa yung ribbon ng Security Bank. Lol.
image
Eto pinaka-OC... mga bills at statement of accounts na naka-file sa used folders.
image
Ang bagong bestfriend ko: good old puncher

Pero bukod sa mga bright ideas na ‘to, gusto ko rin i-share ang tungkol sa pag-organize ng sariling buhay.

Taon-taon na lang, may mga new year’s resolution tayo sa pag-asang mas magiging maayos ang takbo ng buhay natin kumpara sa nakaraang taon. Magandang gawain yan. Pero kung kaya nating ayusin ang sarili natin, eh di sana matagal na.

Kailangan natin si Lord. Kaya sana imbis na new year’s resolution, mag-set aside tayo ng panahon para alamin ang gusto ni Lord para sa’tin. Meron Siyang perfect place for everything to put everything in its place sa buhay natin.

Pag tinanong natin Siya tungkol dito, dapat ready rin tayo na isuko ang mga ipapatapon Niya sa’tin… mga bagay na pabigat. Pag may tinuro Siyang kalat sa buhay natin at sinabing “let it go”, sunod na agad.

Ang sarap ng malinis ang kapaligiran! Mas magaan kumilos at mas madaling mag-isip ng marami pang bright idea. Kaya naman excited na’ko sa 5-S session namin ni Lord sa buhay ko. Ikaw?

Joshua 3:5

Joshua told the people, “Consecrate yourselves, for tomorrow the LORD will do amazing things among you.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s