wpid-Booksale-tipid-tips-lumangtsinelas.jpg

Two Guidelines To Financial Freedom

Freedom from debt and fiancial stability. Parte yan ng faith goals ko sa taong ito. Sawang-sawa na ako sa mindset at kasinungalingan na mahirap at habangbuhay magiging mahirap ang Pinoy.

Simply put: walang utang + may savings + may investment.

Hindi genie si Lord para payamanin tayo pero Siya ay hindi madamot. Siya ay mabuti at may mga mabuti Siyang plano para sa atin (Jeremiah 29:11).

Let’s be in faith that God is able and willing to bring financial breakthroughs in our life. But our faith must be equated with actions (James 12:7).

Share ko ang DALAWANG GUIDELINES na pwede nating sundan tungo sa mas responsableng paghawak ng pera (mula sa No Nonsense Personal Finance ni Randell Tiongson):

1. Increase your income.
Madiskarte raw tayong mga Pinoy. Agree ako diyan kaya gamitin natin ang abilidad na ito hindi para manlamang sa kapwa kundi para palaguin ang kayamanan na pinagkaloob sa atin ng Diyos.

Para sakin, ang ibig sabihin nito: Sideline!

Imbis na bumili ng bumili, subukang magbenta. Siguraduhin lang na hindi ilegal ang ibebenta mo.

2. Decrease your expenses.
Isa-isahin natin ang mga gastusin natin sa isang buwan. Isipin kung alin dito ang mga kailangan at mga gusto.

Matibay + presentableng sapatos para pampasok sa opisina = Kailangan.

Matibay + presentable + mamahaling branded na “soyal” na sapatos para pampasok sa opisina = Gusto.

Para sa akin, ang ibig sabihin nito: Maging kuripot!

Okay lang bumili ng gusto kung hindi mo uutangin (aka ii-swipe). Pero kung gusto mo talagang makaipon, dun ka na lang sa kailangan at bawas-bawasan ang gusto. Hindi mo naman siguro ikamamatay kung hindi imported at galing sa what’s-hot rack ang sapatos mo. Hindi pala siguro, sure ako. Mas malaki pa ang tsanyang ikamatay mo ang pagtawid sa hindi tamang tawiran kesa pagbili ng gawang Marikina, mas mura, at matibay na sapatos.

At para mas matulungan tayong makapili kung ano ang kailangan at gusto, etong isang verse:

Matthew 6:21

For where your treasure is, there your heart will be also.

Tanungin ang sarili, ano ang mga importante sa buhay mo? Ano ang mas matimbang: ang bonding kasama ang pamilya o bagong outfit para pang #ootd? Matanong ko lang din, ano bang naidudulot ng pag-ootd? Kung katumbas ng bawat like ay piso, push natin yan, teh.

Panahon na para mas maging wais tayo sa pagpili ng pagkakagastusan. Dun tayo sa mas malaki ang return.

New #ootd na pang isang araw lang VS. A date with your sister that will help build your relationship for years

Overated na cupcake na pang instagram hashtag happytummy VS. Bagong libro na nakakataba ng utak at nakakadagdag ng kaalaman

At kung gusto mo ng mas kuripot pa dyan, look what I bought earlier today:

image

Dalawang libro sa halagang P20 + P10 = P30 dawalang libro galing sa Booksale! Ang saya, di ba?

Tandaan din ang laging sinasabi ng ma-alamat na finance coach na si Chinkee Tan,

“It’s not how much you earn but how much you save.”

At magkaiba ang kuripot sa madamot. Pero sa susunod na natin pag-usapan yan. More kuripot tips coming soon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s