wpid-Hand-written-letter.jpeg

Mahal kong Ka-te (An open letter to teenagers in a relationship)

image
photo from: http://www.kairoshsp.com

Kamusta?

Siguro nagtataka at nagulat ka na sumulat ako sa’yo. Love month na naman kasi at ramdam ko ang pagkabalisa mo. Kaya naman, eto, sumusulat ako at umaasang mababasa mo ito.

Labinglimang taong gulang ka na pala. Ang bilis ng panahon. Dati naglalaro ka pa ng paper dolls at umaakyat sa puno ng aratiles.

Kamusta ang third year high school? Nakaka-pressure ba? Magulang. Academics. C.A.T. Review para sa college entrance exams. Love life. Idagdag mo pa ang paghahanap ng identity at purpose sa buhay.

Bilib ako sa’yo. Kinakaya mo lahat ‘yan. Academics pa lang, sobrang hirap na, sinabayan mo pa ng pagboypren. Sino na nga ulit yang boypren mo? Inspirasyon ba talaga siya? O baka naman distraction. Bakit ka niya pinipilit gawin ang mga bagay na makakasakit sa’yo at sa magulang mo? Love? Alam mo ba talaga yan?

Matalino ka. Kaya mo na yan, sabi mo. Kaya mo na nga ba?

Ka-te, ayoko sana manghimasok pero hindi ko kayang manahimik at manuod lang. Mahal kita. Mahal kita kaya sasabihin ko ito sa’yo: hindi mo kaya.

Alam ko dahil pinagdaanan ko na yan. At alam kong marami kang pagsisihan at panghihinayangan.

Marami ka pang dapat matutunan tungkol sa sarili mo, sa pakikipagrelasyon, at sa mundong ginagalawan mo. Hindi mo kailangan magmadali. Ang saysay ng buhay na inaakala mo ngayon ay wala pa sa mas malawak at mas maganda na naghihintay sa’yo.

Uulitin ko, mahal kita. At nadudurog ang puso ko sa ginagawa mo sa buhay na pinagkaloob sa’yo. Hindi naman ganoon katigas ang ulo mo. Kulang ka lang sa tamang gabay at payo. Kaya nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito.

Mag-aral nang mas mabuti at umuwi sa bahay nang mas maaga? Hindi. Hindi iyan ang ipapayo ko.

Kilalanin at mahalin mo ang Panginoon ng buong puso, isip, at lakas mo.

Mahalin mo Siya hindi dahil matalino ka at iyon ay isang intelehenteng desisyon.

Mahalin mo Siya hindi para masagot lahat ng kahilingan at hang-ups mo sa buhay.

Mahalin mo Siya hindi dahil “cool” ang mga kabataang pumupuri at nagsisilbi sa Diyos.

Mahalin mo Siya dahil mas una ka Niyang minahal.

Minahal ka Niya noon kahit hindi ka pa ipinapanganak.

Minamahal ka Niya ngayon kahit hindi ka perpekto at maraming kapalpakan sa buhay.

Mahalin mo ang Panginoon at saka mo lang malalaman kung ano ang ibig sabihin ng tunay na love.

O, paano? Hanggang dito na lang.

Nagmamahal,
Ang ten-year older version mo,
Yna

One thought on “Mahal kong Ka-te (An open letter to teenagers in a relationship)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s