Single? Kalma lang. Valentine’s Lang Yan, Malayo Sa Bituka

Yung supervisor kong si Ma’am I, kahapon pa nagbabalak bumili ng heart-shaped na cake sa Tous Les Jours (pronounced as tu-leh-jur) para sa Valentine’s celebration nilang pamilya. Kaya kanina, pag labas sa trabaho, dumiretso kami sa shop.

Ngunit, sa kanyang kalungkutan at sa aming kalungkutan na rin, ubos na ang mga specialty cake nila. Puro macaron at tina-tinapay na lang ang natira. Huhuhu.

image

Pero may delivery pa naman daw in… 30 minutes. Sinubukan niya maghanap sa ibang store. Sold out na rin!?! Meron naman sa isang store pero di type ni Ma’am I yung design. Parang bleh, common.

Sabi ko, “Ma’am, hintayin na natin. Sandali na lang naman.”

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay at pagpila, tada! Nakuha na niya ang inaasam-asam na cake.

Hay… pag Valentine’s nga naman…

Pag single ka, parang naubusan ng cake ang drama natin sa buhay. Problemado. Nagdududa kung may dadating pa. Nag-iisip din kung maghihintay pa.

First year mo man maging single sa Valentine’s o since land-before-time ka na nagsosolo, relax lang. May darating din dyan. Sigurado ako, may plano ang Diyos sa buhay mo. At oo naman, kasama dun ang buhay pag-ibig mo.

Kaya kalma lang ha? Valentine’s lang yan, malayo sa bituka.

One thought on “Single? Kalma lang. Valentine’s Lang Yan, Malayo Sa Bituka

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s