Si Boy Labo

Patext-text. Padalaw-dalaw. Pahatid-hatid. Parega-regalo. Puro paramdam, akala mo multo. Iyan. Iyan si Boy Labo.

Tatanungin ko ba kung bakit niya ginagawa ang mga iyon para mabigyang linaw ang malabo? Wag na. Baka lalong lumabo.

Sabi niya, “minsan, kailangan din maging malabo. Sa TV, pag maselan ang pinapakita o sinasabi, censored. Malabo.”

Ang sagot ko…

@#$/^&*+×=% £'”:;!?!,./#$

Naintindihan mo? Hindi?

Ang labo, di ba? Anong feeling? Badtrip ba?

Hindi mo alam kung minumura ka na. O kaya naman minamahal ka na pala. #boompanis

Ganyan din pag feelings ang pinag-uusapan.

Ang dami ko nang nakasalamuhang Boy Labo. At ang golden rule, kung ikaw ang babae, bawal mag-assume. Kfine. Pagpatuloy niyo yan. Pero wag niyo sabihing hindi ko kayo binalaan. Meron at merong masasaktan.

So, kung ikaw si Boy Labo, anong gagawin mo? I-uncensor na ba ang dapat i-uncensor? Utang na loob, maghunos-dili ka.

Wait lang. Hinto muna. Huminga. Magmuni-muni. Magdasal.

Sundin ang istep by istep na ito:

1. Tanungin ang sarili, may feelings na ba talaga ako para sa kanya?

2. Kung meron, anong klaseng feelings? Crush? Paghanga? Attraction? Admiration? Lust?

3. Isipin, anong balak mo sa feelings mo? Sabihin? Itago? Itulog? Ikain baka gutom lang yan?

4. Sasabihin mo na? Pagkatapos, ano? Kung sasabihin mo lang for the sake of pagsasabi, ay kuya, wag na. Lalo lang lalabo. Stop here.

5. Kung sasabihin mo ang feelings mo at kasunod nito’y pagsasaad ng hangarin na kilalalin pa siya ng mas malalim at ipakilala ang iyong sarili (in short, mangliligaw ka), go to number 6.

6. Kumonsulta. First, kay God. Tama ba ito? Wala bang sabit pag ginawa ko ito? Nakalulugod ba ito sa Kanyang panigin? Second, sa mga kaibigan na nakakakilala sa’yo ng lubos. Kung hindi sila sang-ayon dahil nakikita nilang walang patutunguhan ang gagawin mo, malamang tama sila. Third, sa sarili mo. Alam mo ba ang pinasok mo? Kung umabot ka sa step na ito, mukang seryoso ka nga, boy.

Paalala lang! Ang pangliligaw ay maaring mauwi sa pagpasok sa relasyon. At ang pagpasok sa relasyon ay seryoso pa sa seryoso. Maari at maari ring hindi ito mauwi sa isang kasalan. Handa ka na ba? Emotionally, psychologically, physically, spiritually, at financially?

7. Kung oo ang lahat ng sagot, Congratulations! You’re one step closer sa pag-abot mo sa pangarap na bituin. Ngayon, iipon ka na lang ng lakas ng loob at diskarte para magawa ang napagdesisyunan mong gawin. Kung pinag-isipan at pinagdasal mo naman itong mabuti, wala kang dapat ikatakot, boy. Go push.

Ang galing ko magpayo, noh?! Pano ko nalaman lahat iyan? Syempre, sinabi sakin ni Boy Labo.

image
Ako at si Boy Labo

Oo. Si Boy Labo, malinaw na. Kaya naman siya na si Boy Linaw at Boy Ligaw ngayon.🙂

Maaabot ba niya ang pangarap na bituin?

Abangan.😉

P.S.
Bawal mamressure ah. At the end of the day, will pa rin ni God ang masusunod because He’s the author of our personal love stories.😉

24 thoughts on “Si Boy Labo

      1. hahaha! natawa naman ako doon🙂 Actually, theoritical pa po ang mga pinaglalagay ko sa blogs ko. Somehow mga thoughts ko lang. But I’m guided with biblical principles naman at ng mga leaders ko when it comes to the issue of relationships🙂 hmmmmm kamusta na po si Boy Ligaw?hehe🙂

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s