The Dirty Ice Cream Story

Kamusta? Meron akong kwento… πŸ™‚

Cue soundtrack: Marc Logan’s Meron Akong Kwento song…

~~~~~

Minsan, may isang bata na ang pangalan ay Potjing. Paborito ni Potjing ang sorbetes.

Isang araw, kinausap siya ng kanyang Ama.

Ama: Anak, aalis muna kami ng nanay mo pero babalik din kami agad. Heto ang bente pesos. Sa’yo na ito. Pero may isa akong bilin para sa’yo: pag dumaan ang mamang sorbetero, huwag kang bibili sa kanya. Maghintay ka muna. Hintayin mo ako.

Potjing: Opo, ‘Tay.

Pagkaalis ng mga magulang ni Potjing, hindi nagtagal ay umalingawngaw na ang pamilyar na kalembang.

Ice cream!!! Sigaw ng puso ni Potjing. Tiningnan niya ang salapi sa kanyang palad. Sapat na ito para makabili ako ng ice cream. Bibili ako.

Akmang tatawagin na niya ang mamang sorbetero ngunit naalala niya ang bilin ng kanyang ama. Sa sandaling iyon ay nagtalo ang kanyang puso at isipan.

Maghintay ka muna… Hintayin mo ako.

Pero kung maghihintay ako, baka hindi na ulit dumaan ang mamang sorbetero na ito. Baka hindi na ako makakain ng masarap na ice cream! Paano na ako?

Sa sobrang pagnanais niya sa ice cream at sa takot na malampasan siya ng magandang pagkakataon ay tinawag na niya ang manong at bumili.

May liwanag sa mga mata at kilig sa puso ni Potjing nang iabot ng mamang sorbetero ang ice cream. Ngunit sa isip niya ay paulit-ulit ang mga kataga ng kanyang ama.

Maghintay ka muna… Hintayin mo ako.

Sinuway ko si Ama. Di bale na, hihingi na lang ako ng kapatawaran.

Bago pa man niya makain ang ice cream, dumating na ang kanyang mga magulang. Laking gulat at takot niya; hindi niya malaman ang gagawin. Itinago niya ang tangan na ice cream sa kanyang likuran.

Ama: Potjing, anak! Nandito na kami. Tingnan mo ang aming dala. Ito ang pinakamasarap at pinakamahal na ice cream sa buong mundo at ito ay para lamang sa’yo.

Hindi malaman ni Potjing kung ano ang gagawin sa tinatagong dirty ice cream sa kanyang likuran. Nais niyang kunin ang magandang surpresa ng kanyang Ama ngunit ang mga kamay niya ay puno na.

~~~~~~~

Nagsisimula pa lamang ako sa Panginoon noong una kong marinig ito. At habang nakikinig ako sa kwentong ito, lumuluha ako. Dahil noon ay marami akong bitbit na dirty ice cream sa mga kamay ko. Ito ay ang mga bagay na gustung-gusto ko, ang mga bagay na nagpapasaya sa’kin. Ang mga bagay na noo’y alam kong pinapabitawan Niya sa akin.

image
Konting throwback muna

Bakit nga ba tinawag na dirty ice cream ang sorbetes ng mamang sorbetero? Dahil ito’y nilalako sa kalye? Madumi agad? So, dapat ang taho at balot ay tawagin din na dirty taho at dirty balot. Ice cream parin naman iyon ah! Minsan mas masarap pa sa ice cream na galing sa supermarket. At di hamak na mas mura pa!

Ganyan ako makipag-bargain kay Lord sa tuwing hihingiin Niya ang bawat dirty ice cream sa buhay ko.

Boyfriend.
Trabaho.
Finances.
Pangarap.
Habits.
Attitudes.
Emotions.
Manliligaw. Hashtaglovelife.

Minsan, mahirap isuko sa Kanya ang mga bagay na ito. Nandito na, Lord eh! Nasa harap ko na. Hawak ko na. Pag pinakawalan ko ‘to ngayon baka wala nang dumating.

Minsan, madali lang din. Sige, Lord, sa’yo na’to. Pero dapat palitan mo ‘to ah. Yung mas maganda. Yung mapapa-slow clap ako and I can’t help but cry sa sobrang ganda.

Sa mga taon na naglalakad kami ng Panginoon, marami na siyang binasag na maling kaisipan ko.

For me, lordship requires an act of surrender. Surrendering my life and every area of it to the will of God. It means Jesus has the final say in my decisions. Pero sa paglaon ng panahon, natutunan ko na hindi lang siya basta pagsunod. Kailangan ko ring sagutin, bakit ba ako sumusunod?

Sumusunod ba ako dahil nung huling beses na sumuway ako ay nasaktan ako at ayoko nang maranasan ulit yon?

Sumusunod ba ako dahil naghihintay ako ng mas magandang kapalit?

Isang araw, napaalala sa’kin ang mga sakripisyong ginawa ni Hesus sa krus ng Kalbaryo.

More than forty lashes, a crown of thorns, nail-pierced hands, nakedness, a painful death… it could’ve been me. I should be the one on that cross, suffering the penalty of my sins. But JESUS took it ALL because He loved me. And He loved me while I was a sinner, while I didn’t recognize Him. He loved me even though I can never love Him back as much as He does.

I couldn’t think of a love greater and more radical than that.

It’s the kind of love that makes one fall to his knees and say, “I want you more than all of these dirty ice cream . Take not just them but my whole life, Lord. It is Yours.”

17 thoughts on “The Dirty Ice Cream Story

Leave a comment