wpid-katerina-campomanes-lumang-tsinelas.jpg.jpeg

In a new relationship… so, what?

Mahigit isang buwan na mula nung huling post. (Read the Dirty Ice cream Story here). Medyo feeling guilty lang ulit. Sorry na.🙂

Baka sabihin niyo, di nako nagsusulat kasi in lab nako. In lab agad? Di ba pwedeng busy lang sa preparations para sa Ten Days Trip? Pero, sige, kasama na yun.

(Yes, I’m in a new relationship and, no, it’s not complicated… -Megan Young about Security Bank). :p

Sa maniwala ka’t sa hindi, ilang draft na ang naka-pending sa Evernote ko. Ilang beses ko nang tinangka na magbahagi muli ng mga ginintuang aral na nagbabalatkayo bilang mga kwentong pilosopo.

Ewan ko ba. Parang may boses na nagsasabing, “anong karapatan mong sulatan ang mga single at bigo samantalang ikaw ay isang ganap na in a relationship?!”

At magiging matapat po ako… napaisip talaga ako. Pano ko pa nga ba papanindigan ang tema ng blog na ito na God and a single mom ngayong isa na akong single mom in a relationship? Lord, paano pa ako makaka-relate sa mga taong ka-holding hands ang kanilang sarili ngayong kasapi na ako sa tropang H.H.W.W. P.S.S.P? (Para kila lolo at lola, ang ibig sabihin po noon ay Holding Hands While Walking Pa-Sway Sway Pa).

Eto ang sagot:
You cannot box me. The lessons I will teach you is not limited within a specific season, I believe God is telling me this. That’s why I’m telling you this.

In a relationship nga ako ngayon pero hindi ibig sabihin nun hindi nako makaka-relate sa mga kalungkutan niyo. Lahat ng tao nalulungkot, in lab o hindi. The feeling of loneliness is universal because there will always be a hole that only God can fill. And don’t you ever try to fill that hole with a relationship with another human being because that’s the perfect recipe to a major major disaster.

Tsaka hindi naman karelasyon ang sagot sa kalungkutan. May kilala akong couple na kala mo sobrang saya pag nakaharap sa ibang tao pero sa kabila nito’y hindi sila tunay na masaya. Tipong they’re better off as singles.

Don’t get me wrong, ah. Naguumapaw ang kaligayahan ko ngayon. Pero being in a relationship has never been and will never be all about rainbows and butterflies (as the old adage goes). Lalaki eyebags mo dahil sa puyat kaka-isip at kaka-telebabad. Tataba ka dahil sa kakakain sa labas tuwing mga Fridates, Saturdates, Sundates.. at everydates. Kung ikaw ang lalaki, mauubos ang pera mo na para bang may malaking butas sa iyong bulsa.

Being in a relationship requires a lot of conscious effort and sacrifices. And you, yes, ikaw na single for the longest time at nagtatanong kung kelan ba??? Nandyan ka sa waiting season because God is preparing you emotionally, psychologically, physically, financially, and most importantly, spiritually before He gives you the gift and the responsibility that a relationship is.

Boy-Labo-Linaw-Ligaw now BoyFriend and I both had to wait for such a long time and I’m not saying that our wait is over. We’re still moving according to God’s perfect timing. The joy that we share wouldn’t be complete if we didn’t submit ourselves to God’s molding, pounding, and pruning during our respective waiting season. There’s a lot of pain, yes, but there’s also a lot of beauty in waiting. (Ikukwento ko sa inyo sa susunod).

image
Ngiting in lab

Kita mo yang ngiti na yan? Yan daw ang ngiting in lab. Sa isip ko, in lab agad? Di ba pwedeng #makeuptransformation o kaya camera360 lang? Or instead of being in loved, simply being loved? Being loved first by a God who died and lived so that we, too, may live in Him. Bonus na lang yung being loved by another person whose source of love is also God himself.🙂

If you’re still single as you read this, wag ka mainip. May panahon ka rin. Ang kaligayahan mo ay hindi magsisimula kapag naging in a relationship ka na. It starts NOW with being in a relationship with God. His love alone completes us and gives us unending joy. Pag nagpalit ka na ng Facebook relationship status, continuation at extension na lang dapat yun ng love ni God for you.

Kaya namnamin mo ang singleness and magcelebrate! Singleness is worth celebrating just as a relationship is. So, I’m in a new relationship and you’re not? That’s perfectly fine! Cheers!🙂

4 thoughts on “In a new relationship… so, what?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s