The Mamon Story

Meron akong kwento…

May isang bata na ang pangalan ay Owell. Minsan, si Owell ay bumili ng paborito niyang mamon. Dahil may sukli, bumili na rin siya ng isang pirasong kendi.

Habang binubuksan niya ang balot ng mamon, dumulas ang kendi mula sa kanyang kamay. Slow motion epek. Hinabol ni Owell ang kendi at, buti na lang, nasalo niya ito. Pero tumilapon naman ang mamon at nahulog ito sa sahig.

Wakas.

Wagas.

Tawa ako ng tawa habang kinukwento ito ni J.ko (click to read about J.ko more popular as Boy Labo). Actually, true-to-life ‘to.

Ang moral ng story?

Minsan, sa paghahabol natin sa maliliit na bagay, nawawala sa atin ang mga mas mahalagang bagay.

Kaya naman…

Piliin natin kung ano talaga ang mga mahahalagang bagay sa atin. Yun yung mga bagay na hindi nabibili katulad ng relationships. Hindi lang ito tungkol sa lablayf. It’s also about family and friends. The most important things in our life shouldn’t be things but people.

Panghawakan nating mabuti yung mga bagay na yun. Hold fast and tight unto them. Ipaglaban natin kung kinakailangan.

Pahalagahan natin sila. Bigyan sila ng panahon at atensyon. Prioritize them over any other things. Baka hindi natin napapansin, nabitawan na natin yung mga mas importanteng bagay. Ang mas nakakalungkot, dahil hindi sila bagay kundi tao, darating ang araw na mapapagod sila at kusang bibitaw. Buti sana kung mamon sila na walang damdamin. Eh hindi, tao sila.. Taong may puso na ‘sing lambot ng mamon.

image
source: http://www.angsarap.net

O kung ayaw mo naman, ang moral dun… Pulutin ang nalaglag na mamon. Lalo na kung wala pang five seconds.

2 thoughts on “The Mamon Story

  1. Hi Ate, I really like the way you relate simple things to life lessons. Hehehe. Sobrang gustong gusto ko po yung way of writing mo. More power Ate! At totoo po yun, kung wala pang five seconds pulutin agad, pede pa yun! Hehehe. Thank you Ate!🙂 :*

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s