The Proposal

Mahigit isang taon na mula nang i-share ko ang Valentine’s post kong pinamagatang “Single? Kalma lang. Valentine’s lang yan, malayo sa bituka” dahil tila ba isang sakit o sustained injury ang pagiging single sa Balentayms o ang pagiging single, period.

Wooh, ganyan ka masalita, Yna, kasi in a relationship ka na..

Naging single din naman ako for the past seven years. It’s not as if malaking accomplishment yun na kailangan ipagmalaki. Nagpanic din ako minsan nang bonggang-bongga. Grace lang talaga ni God kaya ako nagsurvive.

Isang taon na nga pero yan pa rin ang mapapayo ko dahil natutunan ko na, malayo nga pala talaga sa bituka. Nasa utak lang (lang?!? Atlis malayo sa bituka) natin lahat yun na bawal maging single. Na pag single ka, kahit anong edad mo pa, sinumpa ka o nung nagsabog ng biyaya ang Panginoon ay natutulog ka.

Blessing maging single. Period.

Kahit pa natutulog ka noon, isipin mo na para sa’yo rin yun. Mas mainam na matulog ka at malampasan ka ng isang jowa opportunity na pasasakitin lang ang ulo mo. Worse, sisirain lang ang buhay mo. Iningatan lang ni God ang puso mo.

Kaya hintay ka lang. Okay lang mainip. Normal yan. May mga gabing mapapa-walling ka na lang. Meron ding mapapaluha ka sa mga kasalang dinadaluhan mo. Halong tears of joy at tears of “Looord, bakit ako, wala pa?”

Darating din siya. At kung hindi man, ayos lang. Ang tunay na biyaya ay nasa Panginoon. Sa Kanya lang natin mararanasan ang lubos at wagas na pagmamahal.

Habang naghihintay, hayaan mo munang hubugin ka ng Panginoon at ang magiging kapareha mo para kayo ay maging ganap na handa sa biyaya ng isang relasyon.

Paano ko nasabi?

Nais kong ibahagi ang napakagandang balita na si Boy Labo (click to know more about him) turned Boy Friend ay nag-alok na ng kasal at tinanggap ko naman nang walang kaabog-abog. Eeeeee!!! :p

Sinong mag-aakala…

Na ang isang tahimik at mahiyaing Boy Labo ay nag level up sa Boy Friend at ngayo’y Fiancé na?

Na ang isang single mother na matigas ang puso para sa mga lalaki ay magkakalakas loob na magmahal at hayaang mahaling muli?

Na ang dalawang mga bank teller na laging nag-aaway sa branch at nagtatatakan ng bank stamps sa braso ng isa’t isa ay enganged na? Totoo ata ang kasabihan na “dyan din nagsimula ang lolo’t lola ko.”

Ang kapares na tsinelas

Nang simulan ko ang paglalakbay ng Lumang Tsinelas, hindi ko inakala na magiging ganito ang takbo ng kwento. Nagsimula ito bilang blog ng isang Christian single mom tungkol sa pag-ibig. Ngayon ay isa nang wife-to-be ang single mom na iyon. Ganun talaga si God pag nagsulat ng love story. Unpredictable pero sobrang bestseller. Kaya, saan ka pa?

image
Above: taken 90 weeks ago. We took a photo of our armbands during a company outing. We were just friends (sometimes, enemies-hehe) back then.

Below: taken 7 days ago. Here's a proof that God is ever faithful in our lives despite our pasts and that He is the ultimate author of the best love stories.

Ang Proposal

Sa mga nagpapakwento kung paano siya nagpropose, ikukwento ko na lang pag nagkita tayo.🙂

Sa madaling-sabi, nagpropose siya sa Batac, Ilocos Norte kung saan siya lumaki. Doon sa gitna ng isang daan na napapaligiran ng mga punong-kahoy. Walang flashmob, fireworks, o videographer na nakaabang. Walang gimik. Simple pero sincere. Siya lang, ako, at ang Panginoon.

Lumang Tsinelas Unsolicited Payo Portion

Sa mga single pa, kalma pa rin. God knows best.

To the single ladies, if he likes it, he should put a ring on it. Woah oh oh. Woah oh oh. But a ring doesn’t define your identity. Minahal ka na ng Diyos kahit noong hindi mo pa siya nakikilala. Hayaan mo na ang romantikong karelasyon ay maging tanda lang ng pag-ibig at katapatan ng Diyos sa iyo. Pag buong-buo ka na sa pag-ibig na ‘yon, saka mo lang kakayanin na magmahal ng lubos para kay Mr. God’s Best na nilaan para sa’yo.

To the single men, kung may relasyon ka naman sa Diyos, nasa tamang edad na, may marangal na trabaho, at may nagugustuhan kang dalaga na may relasyon sa Diyos, nasa tamang edad na, at may marangal na trabaho, ano pang hinihintay mo? Siya ang magyaya sa’yo sa isang date? Sa karunungan at lakas ng loob na ibibigay sa’yo ng Diyos, lagpasan mo na ang Boy Labo stage. Sabi nga ni Ptr. Dennis Sy, man up, bro! Malay mo, next Balentayms, there will be two less lonely more joyful people in the world.

Sino nga ba ang mag-aakala…

Ang post na ito ay ang bayad ko sa mga utang kong kwento at entry sa Ispesyal na Patimpalak:Pagbibigay Payo sa Pag-ibig ng Saranggola Blog Awards (www.sba.ph)

5 thoughts on “The Proposal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s