source: www.vox.com

Kung Ikaw ay Iibig Muli

Ang post na ito ay para sa ating lahat. Joke. Ang post na ito ay para sa mga taong nasaktan at umibig at umiibig muli. So, tayong lahat nga?

Tatlong buwan magmula nung huli kong post. Sa January pa dapat ang pagbabalik ko sa blogosphere pero dahil dito sa papansin na paalala ni Facebook, fb lumang tsinelasheto ako napabalik nang mas maaga.

Hindi naman karamihan ang followers ko pero sa huling pagkatanda ko, 300 likes lang yan. Saan galing yung nadagdag na isang daan samantalang hindi naman na ako nagsusulat. Gayunpaman, salamat for the ‘likes’. Tila ito mga mainit na yakap.ūüôā

At dahil nga biglaan ito, subukan ko lang ibahagi yung latest adventure ko. Nung Lunes, November 30, 2015, Bonifacio Day, may ginawa akong isang bagay na perstaym ko lang nagawa sa buhay ko: Ang manood ng sine mag-isa.

Tagal kong single dati ‘tas first time ko manood ng sine mag-isa? Hindi naman ibig sabihin ng single ay palaging nanood ng sine mag-isa. At hindi rin ibig sabihin na nanood ka ng sine mag-isa ay single ka.

Anong pinanood ko? Clue: related sa title ng post.

Sorry, Bea and Lloydie. Hindi A Second Chance.

Mocking Jay 2 ang aking makasaysayang pelikula! Ang lapit sa blogpost title ‘no?

Sige, magpapaliwanag ako.

Akala ko, pinanood ko lang ito para may magawa habang nagpapalipas ng oras noong mga sandaling iyon. Akala ko, pinanood ko lang ito para masabing nanood ako ng sine mag-isa. Akala ko, pinanood ko lang ito para matapos ko ang naumpisahan nang tradisyon na panunood ng Hunger Games installments. Tama ang akala ko.

Ngunit, pagkauwi ko sa bahay, napagtanto ko na higit pa pala sa inakala ko ang first-time-to-watch-a-movie-alone experience ko. As usual, pwede rin pala siya i-relate sa pag-ibig. No. Hindi yung tungkol sa love triangle ni Katniss-Peeta-Gale. Tungkol sa pods at mutts.

Definition of terms muna tayo para sa mga hindi Hunger Games readers/movie fans.

Mutt – or muttations are strange genetic hybrid mutations

Pods Р engineered traps that, when triggered, release weapons raging from bombs to lethal blades to mutts

Koneksyon ng pods at mutts sa pag-ibig

Katulad ng nauna ko nang sinabi, ito ay para sa atin na nasaktan at umibig at umiibig muli.

Kung ikaw ay nasaktan, siguraduhin mong naghilom na ang mga sugat bago mo pagbuksan ang pag-ibig na muling kumakatok sa pinto (o nitso) ng iyong kinalyong puso.

Ngunit, minsan madalas, kahit na naghilom na ang mga sugat, may mga pagkakataon na masasagi ito. Dahilan para ito’y muling magdugo. Parang pods na kapag na-trigger ay magpapakawala ng mga halimaw na pilit mong tinatakasan o mga kumunoy na handa kang lamunin nang buo.

Ang mga triggers ay mga salitang hindi sinasadyang sabihin o walang ibang ibig sabihin pero nagpapaalala ng mga sugat ng kahapon.

Ang mga mutts ay ang takot na biglang dumarating sa tuwing maaalala mo ang sakit ng nakaraan…¬†mga halimaw na nagkakandarapang ikaw ay sagpangin.

Bigla mong maiisip, bakit ganun? Bakit parang nauulit lang ang kahapon? Akala ko ba may second chance? Wala na ba talagang forever?

Sa atin na nabigo at umibig at umiibig muli, kung nagdududa ka na ang second chance mo ay forever na… kung¬†may takot ka sa puso¬†mo na magagaya lang ito sa nakaraan mo… tama ka.

Joke. Wag muna masyado ma-emote.

Tingnan mo si Katniss… Kahit na sa puntong iyon ay parang hindi na sya mahal ng minamahal niya, hindi sya sumuko. Hinarap niya ang mga halimaw.

katnissVSmutts
source: http://www.vox.com

 

Isa sa mga mahalagang advice na binigay sa’min ng pastor na magmiminister sa wedding namin ay: So konteksto ng kasal, hindi dapat maging option ang hiwalayan.

Kailangan pag-usapan at ayusin ang lahat ng away. Kasama dun ang pagharap sa mga halimaw ng kahapon dahil madalas ang away niyo ngayon ay lumalaki dahil ito ay nag-uugat sa isa o mga malalim na sugat na iniwan ng kahapon, dinulot man ito ng bad break up o ng madilim na childhood experience.

Fight away your monsters. Huwag mo silang hayaan na sirain ang present at future mo. Hayaan mo silang maging bahagi ng past. After all, those pods and mutts are¬†just part of the enemy’s plan to ruin your destiny.

Hindi ibig sabihin ng forever ay perfect.

Kung isa ka sa mga tinadhana na makakuha ng ticket to a second chance to forever, kailangan mo pa rin pagsikapan at ipaglaban ito. At para sa akin, hindi natin kakayanin lumaban nang mag-isa. Nandyan unang-una si Lord na Siyang nagbiyaya sa’yo ng pagkakataon na ‘yan at syempre ang partner mo na hindi perfect pero by God’s grace ay kakayanin kang mahalin at lumaban kasama¬†mo.

katnisspeeta.jpg
Katniss: “Ang bigat mo, ‘teh”

 

 

 

One thought on “Kung Ikaw ay Iibig Muli

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s