How did I find “The One”?

Hello, there! If you’ve just tuned in and haven’t read my older posts, let me give a quick recap.

Pak. Umi-English na naman ako. Porket matagal nawala sa sirkulasyon.

So, eto nga yung recap:

  • June 2014 – naging malinaw si Boy Labo at siya’y nangligaw.. (Alam pa kaya ng mga kabataan ngayon ang salitang “panliligaw”?)
  • July 2014 – pagkatapos ng pagdarasal kay Lord for wisom and direction at paghingi ng basbas mula sa aking unico hijo at mother dear, naging Boy Friend na si Boy Labo-turned-Boy Linaw
  • February 2015 – nagtanong si Boy Friend kung pwede ba nya ako makasama habang-buhay, in short, nagpropose sya at ang sagot ko sa kanya “seryoso ka?” pero karugtong noon ay ang aking feeling haba-ng-hair na “Oo”
  • January 2016 – kami ay humarap sa Diyos, sa aming mga mahal sa buhay at nangakong mamahalin at aalagaan ang isa’t isa, ’til death do us part, I do, you may now kiss your lovely bride

Sa tingin ko, lagyan pa natin ng konti pang context. Konting backtrack pa…

  • January 2005 – sa edad na 17, ipinanganak ko ang aking poging-pogi, mapagmahal at matalinong anak na si Neil
  • May 2007 – isinuko ko sa Panginoon ang buhay ko
  • March 2009 – noong nag-Victory Weekend ako ay sinabi ko sa sarili ko “from this day onwards, the Lord is the author of my life”

Yes, kasama doon ang love life.

Noong engaged pa lang kami ni Jowell (ayan! First time ko siya pinangalanan. Shy type kasi sya.) ay naging bestfriend namin sina Google at Pinterest para sa paghahanap ng DIY wedding inspirations. Doon nya nadiscover na mas madali pala kausap si Google voice kaysa kay Siri. Mas narerecognize ni Google ang Ilocano English accent nya. So tuwang tuwa si kuya. Okay Google, okay Google sya nung araw na yun. Haha!
Amazing si Google ‘no? Kahit anong itanong mo sa kanya, may mahahanap syang sagot. Pero hindi lahat. Gaya ng ilan ang buhok mo sa ulo. Ilan doon ang may split ends at ilan ang puti?

Hindi rin nya kayang sagutin kung sino ba ang iyong “The One” o meron bang “The One” para sa’yo.

Nagrecap ako simula 2005 kasi gusto ko i-emphasize ang challenges para sa akin sa paghahanap ng “The One”.

Internal factors:

Single mother. Matigas ang ulo. Opinionated. Gabriela Silang sa mga pinaglalaban sa buhay.

External factors:

Bilang lang sa kamay ang mga lalaki na pipiliin – or even consider- ang single mother over sa isang single na babae. Walang excess baggage. Meron mga ilan, pero tingin ko sa kanila ay mga predators na naghahanap ng vulnerable at lonely girl na madaling paikutin sa mga kamay nila. Harsh ‘no? Di ko naman nilalahat. Yung iba lang. And I’m speaking from the stories of some single mom that I know.

So, Yna, pano mo nga nahanap ang The One mo? As of the moment, may tumutumba sa kalsada somewhere out there tapos dami mo pa salita.

Malay ko!

I didn’t find The One because I didn’t look for The One.

Kyeme. Di ka nag-yearn na magmahal at mahalin muli?

Nag-yearn. Pero hindi ako nag-actively searching. Nag-actively waiting lang ako. At ayan, dumating sya.

Ay, ang taray. Ganda. Haba ng buhok. Pak ganire.

(Bipolar moments)…

Sige, seryosong usapan na tutal seryosong bagay ang pag-ibig.

  1. Stop searching – ayon nga sa lumang kasabihan, ang pag-ibig, hindi hinahap yan, kusang dumarating. Challenge ito sa panahon na wala nang gustong pinaghihintay siya. Pero yung mga bagay na pinagtyatyagaan, yun ang pinakamasarap.
  2. Seek God – and surrender your whole life to Him, every areas of it. Hindi ito yung gagawin mong genie si Lord na magpapakabait ka kasi gusto mo reward ka Nya sa love life mo. Let Him take over because He knows best and He has a plan for you.
  3. Serve Him and others – this is  how God builds your character through the process of waiting. Marriage is not about two half people that makes each other whole. Your The One can’t complete you and vice versa. Kung hindi ka mabuo sa pagkatao mo, The One-half na yun. Practice serving others cos marriage is a lifetime of serving your spouse out of love.
  4. Stay pure – makinig ka. Importante ‘to: Single doesn’t automatically mean pure. You can be single pero emotionally attached to someone. Flings, friends with benefits, anyone? Make marriage the goal of your next relationship. So, until you are ready to consider and commit for marriage, stay out of any relationship lalo na yung mga label-less. Nakuha!  Tigilan ako sa mga we’re just hangin’ out. (I sound like a Tita, yes?)
  5. Smile! – pag malapit na lumampas sa kalendaryo ang edad mo, halo-halong pressure na yan. Pressure sa loob mo. Pressure galing sa mga kamag-anak mo na tanong ng tanong, kelan ka mag-aasawa? Mahirap, ano? Pero choose joy. Choose to find the good in your situation because God is not yet finished writing your love story. And this I can attest to, God writes the best love stories. Best pero stories? Yes, because each one is unique but it is or will be the best.

There really is no formula to finding The One because God works differently in our lives. What’s important is that you know He is in control. He loves you. You are important to Him. With  or without The One, God is still to be honored.

Dancing with The One

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s