img_1762

Ang Sticky Note

Ang araw na iyon ay katulad lang ng mga ibang araw sa buhay ko.

Pagpasok ko sa tellers’ cage, nandun na siya.

Ang aga ah, sa umpisa lang yan. Haha, sabi ko sa isip ko.

“Good morning,” bati niya.

Si Jowell ang bagong teller na kasama namin ni Dan. May mga ilang linggo na rin siyang naka-deploy sa branch.

Mukha naman siyang mabait. Medyo quiet type. Ewan ko lang kung dahil bago pa lang at nahihiya pa sa amin ni Dan. Pero palangiti siya at mahilig magpatawa. Mas madalas sila mag-usap ni Dan. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin. May sarili lang talaga akong mundo sa sulok.

“Good morning,” sagot ko sabay lapag ng bag sa mesa.

Katulad ng lagi kong ginagawa sa umaga, in-on ko ang CPU ko. Napatigil ako. Parang may kulang. O may sobra.

Nakatanggal na ang cover ng monitor ko. Iyon ang kulang. May nakadikit na sticky note sa gitna nito. Kulay dilaw, paborito kong kulay. Iyon ang sobra.

“SMILE. You’ll do great today.”

Sino naman ba ang maglalagay nito? Tumingin ako kay Jowell. Ngumiti lang siya at kunwaring naging busy sa pagtanggal ng ink stains sa lamesa niya.

Ngumiti ako at hinawi ko ang aking buhok. Nagbeautiful eyes ako at nagpa-bebe wave.

Charot!

Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kanya na muli ay sinuklian lang din niya ng ngiti.

Nakakakilig?

Maaaring iniisip nyo na iyon ang simula ng aming love story. Pero hindi.

Iyon ang simula ng pag-aaway namin.

Hindi ko maaalala kung isinama ko sa mga memorabilia boxes ang sticky note na iyon. Pero sigurado ako na sa araw na iyon, sa kauna-unahang pagkakataon, binanggit ko siya sa aking journal.

Ang naramdaman ko ay panghihinayang.

Eto na nga ba yung kinakatakot ko. Ang magkaroon siya ng paghanga o pagtingin sa’kin. Hindi iyon malayong mangyari. (Ganda ko eh. Assumera.) 

Sa branch noon, ilan lang kaming single o walang asawa. Dalawa. Si Dan at ako (opo, babae po si Dan). Pareho pa kaming maganda. (Hahaha.) The chances really were high na may isa siyang makakapalagayan ng loob. Okay lang naman kung sakaling totoo ang hinala ko. Ang ayoko lang ay yung fact na sa maiksing panahon pa lang, may ganun nang paandar. At yung pressured ka na suklian yun samantalang wala ka ngang interes na magkaboyfriend noon. Imbis na nanahimik ang buhay niyong lahat.  

Sa paniniwala ko, madali naman ma-fall sa taong palagi mo kasama. Madalas yan sa trabaho. Minsan kahit taken na na-fa-fall pa. Proximity breeds false intimacy. Kala mo gusto mo na siya pero gusto mo lang pala yung feeling na kasama siya.

May dati akong kasamahan na tinuring kong kaibigan. Nag-I love you siya sakin sa Jollibee apat na buwan simula nang magkatrabaho kami. Nung sinabi kong kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, nagka-bitteran na kami or siya sa akin. Isang buwan matapos siya magresign (I hope hindi dahil sa akin) dumating sa branch si Jowell kaya fresh pa ang pangyayari. I had hoped na hindi siya matutulad sa nauna.

Mabait si Jowell. Gusto ko siyang maging kaibigan kaya nalungkot ako nang magparamdam siya. Nag-worry ako na baka mauwi rin sa ganun ang pagkakaibigan namin.

Kung ang habol ko ay atensyon, hinayaan ko sana siyang magpatuloy.  Masarap naman sa pakiramdam ang may nagpapakilig paminsan-minsan. Aminin niyo, girls. Pero hindi tama. Ayokong hayaan siyang mabulag sa closeness namin (literal na closeness dahil magkatabi ang cage namin na walang harang kundi ang mga nagkalat na bank stamps, madungis na stamp pad at mga pirasong papel) at sa huli ay ma-reject at maging bitter.

Panalangin ko noon na isinulat ko rin sa journal, “Lord, huwag niyo po hayaang may masaktan. Ngayon pa lang po, kung kinakailangan po mag-away kami para maputol ang kung anumang umuusbong, sana po ay siyang mangyari.”

At siya ngang nangyari! Bilang senior teller niya, madalas ko siyang mapagsabihan sa tamang paraan at diskarte sa mga transactions niya. Aba, ngumunguso at nagagalit. Pag si Dan, na isa pang senior teller, ang nagsabi sa kanya, wala lang. May mga pagkakataon na hindi kami mag-iimikan sa loob ng isang linggo. May panahon na magkakasama kaming tatlo sa labas pero si Dan lang ang kinakausap niya. Kaasar! Ginusto mo ‘yan, panindigan mo.

Hanggang sa dumating ang balita na malilipat na siya ng branch. Kahit na lagi kaming magkaaway dati, na-build na naming tatlong tellers ang teamwork at synergy kaya nalungkot ako pero si Lord na siguro ang gumawa ng paraan.

Makalipas ang isang buwan, nalipat na rin ako sa ibang branch. Sa sumunod na taon, dinalaw nila ako at sumama sa akin mag church sa Victory Metroeast. Noon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap ulit ni Jowell. Napadalas ang pagsasama namin dahil sa mga outreach na in-organize namin. Tinulungan niya rin ako sa Ten Days Mission Trip. At doon nagsimula ang love story namin.

hindi ito yung original, isa lang sa mga paandar niya nung engaged na kami
So, anong relevance nito sa EJK, DDS at Matobato? Wala naman.

Gusto ko lang sabihin na kung hindi pa panahon, huwag ipilit.

At paulit-ulit kong ipapaalala:

Guard your heart

Kala kasi natin na ang simpleng landian ay hindi masama. Walang masasaktan. Pero dyan nag uumpisa yung mga #extrajudicialfeelings na hindi nasusuklian kasi sa una pa lang malabo na.

At that time, pareho pala kaming hindi pa ready magcommit ulit. If hinayaan namin na magtuloy-tuloy ang #landimoments, baka ang friendship namin ay nasama sa casualties ng EJF killings.

Sabi nga ni Lola, sa tamang panahon.

6 thoughts on “Ang Sticky Note

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s