Ang Alamat ng Lumang Tsinelas

Ang buhay ay parang isang paglalakbay. Minsan ito’y mahaba, minsan ito’y panandalian. Minsan ito’y puno ng saya, minsan ito’y may bahid ng pighati. Minsan ika’y mag-isa, minsa’y maraming kasama. Minsan ang daan ay tuwid, minsan ang daan ay malubak. Ang iba’y patapos na, ang iba’y paumpisa pa lamang.

LumangTsinelasNgunit, nasaan ka man ngayon sa iyong paglalakbay, iisa lang ang tanong: Saan ka patungo?

Mas madali ang byahe kung alam mo kung saan ka papunta. Makakatulong din kung alam mo kung sino ang iyong kasama.

Kung papayagan mo, nais ng Lumang Tsinelas na maging katuwang mo sa iyong paglalakbay sa makulay na daan na kung tawagin ay buhay. Nais nitong pangitiin ang iyong puso sa bawat kwentong ibabahagi.

Kwento ng isang ina, anak, kapatid, kaibigan, katrabaho, kapit-bahay, kalaro, kalakwatsa, ka-food trip, ka-facebook, ka-twitter, ka-viber, echetera, echetera.

Kwento na magpapangiti, magpapahalakhak, magpapakaba, magpapaiyak, magpapakilig, magpapalaki ng mata, magpapahikab, magpapagutom, magpapasayaw ng cha-cha sa sinuman na bibili ng mga kwentong komiks-pocketbook-teleserye-pangMMK ni Katerina Campomanes.

Kwento ng paglalakbay. Paglalakbay ng isang anak at ng kanyang Ama. Paglalakbay ng isang Ina at ng kanyang anak kasama ang kanilang Ama.

Bakit Lumang Tsinelas?

Ang tunay na Pag-ibig daw ay “parang tsinelas na luma. Magsuot ka man ng iba’t ibang klase ng sapatos, pagdating mo sa bahay, ‘yung lumang tsinelas pa rin ang hahanapin mo. Masarap isuot kaysa bago kasi lapat na lapat sa paa mo.”

Makamkam mo man ang kayamanan ng buong mundo, matamo mo man ang kasikatan sa buong galaktika, kung wala kang Pag-ibig ay wala ring saysay ang effort mo.

“Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag.”

1 Corinto 13:1

Saan ka man dalahin ng iyong makakating paa, ugaliin na baunin ang pinaka-makapangyarihang bagay sa mundo, ang Pag-ibig.

Kung ikaw ay handa na, ano pang hinihintay mo? Kamon bomanos!

15 thoughts on “Ang Alamat ng Lumang Tsinelas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s