wpid-IMG_20130831_221719.jpg

How Project Ember Started

Tatlong taon na ang nakakaraan, naglalakbay ako lulan ng isang jeepney nang may sumampang bata, may dala-dalang sobre. Nakasulat sa sobre ay, “Ate/Kuya, penge pong konting pera, pang-aral ko lang po.”
image

Kurot sa puso ang naramdaman ko. Sa aking pagmamasid, naisip kong kasing edad lang nila si Neil, ang anak ko. Nagpasalamat ako na hindi niya kailangan danasin ang ganito.

Maraming beses ko na sila nakasakay pero iyon ang kauna-unahang pagkakataon na pinagdasal ko sila. Sabi ko, “Lord, ang piso ko walang mararating. Pero Ikaw, meron. Gumamit po kayo ng mga taong tutulong sa kanila, mga taong kaya silang alisin sa kalye at tulungan na makapag-aral talaga.”

Tatlong buwan na ang nakaraan nang minsan, sa far-flung Taytay Branch, ay may isang babae ang nagbayad para sa kanilang monthly tax. Hindi ko sana siya mapapansin; hindi ako ang nakatawag sa numero niya. Ang kaibigan at katabi ko sa teller’s cage na si Jowell ang nakapansin sa address ng babae. Paanong hindi niya mapapansin ito kung ilang bahay lang ang pagitan ng apartment niya mula sa bahay na tinutuluyan ng babae.

“Gabay sa Landas Foundation, ano ‘to, Maam?” usisa ni Jowell.

Pinaliwanag ni Ate Lyn (ang babae na nagbayad para sa BIR) kung ano ang GALA (Gabay sa Landas). Nang Sabadong iyon, nilakbay ko mula sa Pasig hanggang sa Angono para bumisita sa GALA at mag-obserba, para alamin kung may maitutulong ako. (Eto yung lugar na tinambayan ko at ayaw ko munang sabihin sa post ko.)

Nagulat ako sa init ng salubong sa akin ng mga bata. Wala pang isang oras akong namamalagi doon ngunit naramdaman kong tanggap nila ang pagdating ko. Umuwi ako noong hapon na iyon, baon-baon ang mga kwento kung paano sila napadpad sa GALA. Sila pala ay mga batang inabuso at minaltrato kaya napilitang lumayas, mamuhay sa kalye, at malulong sa masamang bisyo. Baon ko maging ang matatamis na sulat ng dalawang babae Salamat daw sa pagpunta ko (kahit na alam wala pa akong ginagawa). Dala-dala ko rin sa puso ko ang mga pangarap nila.

Simula noon ay nagkaroon ako ng vision:
10-20 years from now, ang lahat ng mga bata sa GALA ay makakapagtapos ng pag-aaral, magpa-practice ng propesyon, magtatayo ng mga negosyo, o magiging sunod na lider ng bansang ito– all for God’s glory.

At sabi ko nga:
image

Sinimulan kong hawaan ang mga kaibigan at katrabaho ko. Mula sa donut shop, nagsimula kaming bumuo ng mga pangarap para sa kanilang mga pangarap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s