Pano mag-ipon as a couple?

As a couple agad? Mag-ipon nga as an individual di magawa. As a couple pa kaya? 😂

Hindi ito tips kung pano makatipid or magkano dapat itabi buwan-buwan. Sina Sir Randell Tiongson, Sir Chinkee Tan, et al, na ang bahala dyan. Ang dami na ring Ipon Challenge dyan. Search mo lang. Ang sagot ko na lang ay pano ba mag-ipon as a couple sa bangko?

Since sa bangko ako nagtatrabaho, naisip ko na i-share ko na lang yung madalas tinatanong sa akin during account opening process. Naisip ko, dahil paulit-ulit yung mga tanong, baka kasi marami pa talaga ang hindi familiar sa bank accounts na pwede sa magjowa. So, i-share ko dito yung top 3 FAQs nila.

Disclaimer lang: yung infos na isheshare ko dito are in line sa policies and procedures ng bank kung saan ako nagwowork. Pag iba yung policies sa ibang bank na pinuntahan nyo, wag nyo akong i-quote at sabihin sa kausap nyo na “bakit sa ibang bank, ganito…” kasi ang sagot dyan, “eh, di dun ka mag-open”. HAHAHA. JOKE.

1. Pwede ba mag-open ng joint account kahit hindi pa kasal?

Pwedeng pwede! Nanay at Tatay nyo nga di kayo napigilan maging magjowa, tapos pipigilan namin kayo mag-open ng account as magjowa? 😂 Sino ba kami para makialam sa relationship status nyo. Basta complete ang requirements, pasado sa screening process, at may pang initial deposit, push natin yan!

2. Pwede ba kami mag AND/OR?

Hindi pwede. Kasi magulo yun. AND ba talaga or OR? Magdecide kayo kung alin dun. Magkaiba ba yun? Yes, momshies and popshies.

AND – palagi kayong dalawa ang kailangan pumirma pag magwiwithdraw

OR – kahit sino sa inyong dalawa ang pwedeng pumirma para magwithdraw

Either way, pag magdedeposit, kahit isa lang pwede. Pero kung di kayo mapuknat sa isa’t isa at gusto nyo lagi kayong dalawa magdeposit, eh di go. Wag lang kayo maglambingan sa harap ng teller kasi malay nyo, single pala yung teller, eh di nalungkot pa sya dahil sa inyo. Konting konsiderasyon naman oh please. Di nyo alam, bumubulong na yan, “maghihiwalay din kayo.” 😂

So, anong mas maganda? Malay ko sa trip nyo. Gusto mo rin ba ako magdecide kung saan kayo kakain after nyo magopen ng account?Hahaha.

Seriously speaking, magusap kayo. Communication is the key.

Yung AND account helps you maintain accountability because both of you are aware if may ibabawas sa account. Hindi naman sa walang tiwala ano. Segurista lang. Para na rin pag hindi kayo nagkatuluyan, hindi maitatakbo ng isa yung lahat ng anda. Worst case scenario, like matured and strong independent adults, you will meet up at the branch to sign on the withdrawal slip to close the account. And to say goodbye for one last time. Awww.

Pag OR account, no hassle magwithdraw lalo pag may emergency. You can request for an ATM card to be linked to your account. Con: ayun, kapag naghiwalay at gusto gumanti nung isa, lilimasin nya lahat ng laman ng account. Pag nagka-Tulfohan, wag nyo kami idamay ah. Sinunod lang namin ang signing instructions nyo.

3. May required ba na amount of deposit monthly?

Wala. Kahit pa limang piso, pwede. Kaso lugi ka ata kasi P9 ang minimum fare sa jeep. Kahit hindi kayo makadeposit consistently every month, okay lang. Basta, remember to maintain your average daily balance within the required minimum para hindi ma-penalty ang account nyo.

Ano, magoopen pa kayo?

Sa case namin ng asawa ko, malaking tulong sa amin na nagopen kami ng joint savings account nung engaged pa lang kami. Na-track namin kung magkano na yung naiipon namin para sa kasal at sa noon na balak namin na pagbukod. Next article, i-share ko kung ano ang mga need paghandaan financially pag magaasawa na. ‘Til next post, mga mamsers. 😉

Leave a comment