Mommy’s New Baby

Hindi po ako nanganak ulit.  Mag-aasawa muna ako, ha. Pero alam mo yung feeling na kumakain kayo sa labas tapos yung kasama mo picture ng picture sa pagkain tapos post agad sa instagram? Susubo lang siya ng konti tapos check niya kung may nag-like na nung post niya? Yung imbis na enjoyin niyo yung moment na magkasama kayo, mas inuna pa niya/nila ang pag update ng status?

image
Source: Queens University

Kung naka-feel ka ng ganyan, itaas ang kanang kilay. Yung guilty sa paggawa ng ganyan, itaas ang kaliwang siko.

Kilay o siko man ang itinaas mo, mukang na naka-experience na tayo ng ganun at some point in time.

Nung inimbento ni Alexander Graham Bell ang unang telepono, sumaglit kaya sa isip niya ang iPhone5?

Naaalala mo pa ba ang unang cellphone mo? Ako naaalala ko pa. Yung Alcatel na parang safeguard ang hugis at orange ang backlight. Eh naalala mo yung uso noon na magpapalagay ka ng backlight na iba-ibang kulay tapos lalagyan ng palawit na iilaw pag may nagtetext (Para alam ng tao na may nagtetext sa’yo o na may load ka). Grabe, Jurassic noh? Pero usong-uso yun noon. Ngayon naman, pwede ka nang magtext, tumawag, magvideo conference, magpost sa blog, mang bash sa mga social media, magpicture, mag-edit ng picture, inggitin yung iba sa masarap mong ulam, magyabang ng bagong sapatos, magpuyat sa “video” games at marami pang iba sa pamamagitan ng isang gadget lamang.

image

Grabeng talino ang ipinagkaloob ng Diyos sa tao para maimbento niya ang mga ito. Ang laking tulong ng teknolohiya sa ating buhay. Yung kamag-anak mo na milya-milya ang layo, pwede mo na maka-chikahan anytime, anywhere. Kung tamad ka kumopya ng notes, picturan mo yung lecture at tenen!

Ang nakakalungkot lang ang yung nagagamit sa hindi magandang paraan ang teknolohiya. Paano ba malalaman kung nakakaperwisyo na ito?

● Kung estudyante ka at hindi ka na kumakain ng maayos para makaipon ng pambili ng bagong gadget.
● Kung nakakalimutan mo nang gawn ang responsibilidad mo kakalaro ng Candy Crush. Halimbawa: sunog na sinaing, butas na damit dahil sa plantsa, tambak na labahin at line of 7 sa report card.
● Status ng status, tweet ng tweet, instagram ng instagram habang kasama ang mga kaibigan mo . Mas gusto mo pa bang magpa-tweetums sa “cyber” friends mo kesa gumawa ng masasayang memories kasama ang mga totoong friends mo?
● Kung ang social media ay naging anti-social media dahil naging daan ito sa mga tao para mangbara, magparinig, mamahiya, mang-alipusta, at manabla ng mga kapwa tao nila. Sabi freedom of speech daw ito. Anong nangyari sa respeto sa kapwa? Tandaan, you reap what you sow.
● Kung ginagamit ko ito sa oras ng trabaho. Aminin. Kunwari silip lang pero browse dito, browse doon. (Opo, guilty po ako dito). Binabayaran po tayo para magtrabaho, hindi para mag-update ng status. Syempre excused yung nasa marketing department na kasama sa job description niya ang mag-social media.

Hindi ako mahilig sa mga bagong gadget. Pinag-iisipan ko muna yung mga cost, benefits and relevance ng isang gadget sa buhay ko. Kaya naman kahit naglabasan ang puting mansanas at berdeng robot (o alien), mga ice cream at jelly bean, tatlong taon ko rin pinagtyagaan yung basag at puro gasgas na phone.

Lumang Selpon: Wag ismolin, nakaka-fb yan kahit ganyan yan :p

At ngayon na nagkaron ako ng pagkakataon na magkaron ng bago (pero hindi latest) na gadget sa katauhan ng Samsung Galaxy Tab 2, nagpapasalamat lang ako kay Lord. At panalangin ko na bigyan Niya ako ng tamang wisdom at self-control para magamit ang tablet na’to sa ikatataas ng pangalan Niya, na wag nitong palitan ang totoong kaligayahan sa piling Niya, at wag nitong agawin ang atensiyon at oras ko para sa mga mahal ko sa buhay.

Mommy Techy, logging out.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s