Babangon ako at dudurugin kita. Bukas luluhod ang mga tala. Matitikman niyo ang batas, ng alipin!
Yan ang mga famous lines mula sa mga ma-alamat na teleserye at pelikulang sinubaybayan nating mga Pilipino. Halos lahat ng mga drama sa TV ay pinagbibidahan ng isang babaeng mahirap, inalipusta, yumaman, at naghiganti.
Pero bakit iba ang nangyayari sa totoong buhay? Bakit ang mga mayayaman ay lalong yumayaman? Ang mga mahihirap ay lalong humihirap. Why does poverty seem to run in Filipino families?
A friend invited me to Whiteboard‘s recently concluded Premier Thought Leaders, an event where six of the country’s next best-selling authors shared their knowledge and wisdom on personal finance.
The speakers were Dennis Sy on being Rich for Life, Marvin Germo on being Stocks Smart, Paulo Tibig on knowing the Strategies of a Champion Entrepreneur, Yeng Remulla on Starting Something, Randell Tiongson on a No Nonsense Personal Finance, and Jayson Lo on being Younique.
Alam ko parang walang kinalaman sa pag-ibig tong mga pinagsusulat ko pero kapit ka lang. Dadating din tayo dyan.
Marami akong natutunan sa event tungkol sa mga prinsipyo, kakayahan at karunungan na kailangan natin sa paghawak at pagpapaunlad ng salapi.
Ngayon, mabalik sa tanong na, “Why poverty runs in Filipino families?” Hindi lang pala kayamanan ang pwedeng ipamana ng magulang sa anak, pati rin mga kautangan.
Sa pamamagitan ng diagram na ito, ibabahagi ko ang mga ilan sa mga natutunan ko sa seminar mula kay Mr. Randell Tiongson.
Let’s say, you are in the 1st generation na wala sa bukabolaryo ang salitang “save” o ipon. Ganito ang mindset mo:
“Hindi ko kailangan mag-ipon at mag-invest dahil pagtanda ko, nandyan naman ang mga anak ko para suportahan ako. Nararapat lang ‘yon dahil nagkanda-kuba ako sa pagtatrabaho para buhayin sila.”
At dahil likas sa’ting mga Pinoy ang utang na loob at pag-aaruga sa mga magulang, ang anak mo na kabilang sa 2nd generation ay mag-aaral, gagradweyt, at papasok sa kumpanya para manilbihan. Magre-retire ka; magbibigay siya sa’yo ng panggastos. Pero isang araw, magkakapamilya siya. At habang nagtataguyod ng sarili niyang pamilya, sinusuportahan ka pa rin niya. Gustuhin man niyang mag-ipon, kapos ang kakarampot na sinusweldo tuwing akinse-katapusan.
Pagkatapos, lalaki ang mga anak niya at magkakapamilya rin. Sila na ang 3rd generation. Siya naman ang susuportahan kasabay ng pagtataguyod ng sariling pamilya.
And the vicious cycle goes on.
Tumatak sakin ang flow chart na ito. Nangyayari ito. Alam ko dahil sa mga pamilyang nakasama ko noong college immersion ko sa isang bayan ng Laguna. Alam ko dahil sa unang dalawang taon na nagtatrabaho ako, nagbabayad ako ng utang na minana ko. Hindi ako nagrereklamo. Nagpapasalamat pa rin ako dahil sa mga pagsubok na yun, natutunan ko ang sariling-disiplina at pagiging masinop sa pera. Pero mas maganda sana kung noon pa lang ay alam na ng mga ninuno ko ang konseptong ito.
Hindi lang pala korupsiyon ang dahilan ng kahirapan sa bansang ito. Mindset and attitude rin pala ng bawat Pilipino. Eh ano kung makinabang ka sa Pork Barrel, hindi ka naman marunong mag-impok? Mauubos din ang kayamanan mo.
Bilang isang single parent, ramdam kong nagpapatuloy umikot ang gulong ng scenariong ito. Nagbabayad ng libro habang nag-aabot ng pambili ng bigas, kilo-kilo. Minsan, parang nakakawalang pag-asa at gusto mo na lang tanggapin ang pagkatalo.
Pero katulad ng pinaalala ng lahat ng speakers, may plano ang Diyos para sa’kin, sa’yo, at sa bayang ito. Hindi kailangan magpatuloy ng ganito. Bawat isa, binigyan ng Diyos ng kakayahan para umunlad. (Psalm 17:14). At hindi nagtatapos doon. Kailangan matutunan din natin pano humawak, magpalago, at mag-ingat sa kayamanang matatamo.
What we need to do:
1. Learn to save.
2. Learn to invest.
3. Apply what you learned.
Kahit na nasanay na tayo sa takbo ng buhay, bilang mga kabataang pag-asa ng bayan, maging interisado tayo tungkol sa personal finance and stewardship. Makialam at makibalita tayo sa mga paraan pano at saan mag-save at invest. Bilang taga-bangko, two-thumbs up ako sa mga kalalakihan na nagpapaturo paano mag-open ng savings account at mag-invest sa UITF. Patunay lang na seryoso sila pag sinabi nilang pinaghahandaan nila ang future.
“Pag-ibig? Hindi ka mapapakain niyan!” Parang malalim ang pinaghuhugutan nila Nanay at Tatay nang sinabi nila sa’tin yan. Kung ikaw ang lalaki, pwede mong busugin sa pagmamahal ang asawa mo pero kailangan din naman kumain ng kanin at ulam niyan, noh. Try mong pakainin ng kindat at pa-cute. Ewan ko na lang kung di bumulagta yan.
100 % Agree Katerina dapat maputol na yang (fork barel ) este ung cycle. Lets start in our generation… lets save and invest! Di yan Matatapos kung walang magsisimula
LikeLike
Tayo ang simula!
Salamat sa mga speakers na katulad nila sa pagmumulat ng kamalayan natin para sa pagbabago.
LikeLike
Thank you, Ms. Katerina!
It reminds me once again the importance of saving…
Nasa lebel ako ng nagbabayad pa rin ng utang ng aking ninuno at alam ko ‘yung hirap, so, as much as possible, ayaw ko na ‘yung maranasan ng mga susunod pang henerasyon. For now, I’m just learning to live within my means muna para ‘di man ako makapag-save, at least wala akong utang.
It’s an eye opener…
š
LikeLike
Mahirap nga yung nagbabayad ng utang na minana. Disiplina talaga ang kailangan. And have faith that God will see you heart and increase your ability to produce wealth para matapos mo ang obligations mo. Salamat sa comment. God bless you! š
LikeLike
Keep on writing! Please join my No Nonsense Personal Finance Conference on Sept. 14
LikeLike
So true! š Galing mo Katerina! I’m single in mid 30’s and my mom stays with me coz my other sisters all have their own family. Naka set na sa utak ko na package deal kami. As early as now, i’m saving and investing para sa family ko and for my self as well.
LikeLike
That’s great, Ms. Chiqui! š I’m thankful din for people like Sir Randell Tiongson who keeps on sharing their wisdom on finances. He has an upcoming seminar No Nonsense Personal Finance on September 14, 2013. You can go to help you learn how to meet your saving and investing goals. š
LikeLike
salamat sa blog na to… nadaanan ko lang ung blog mo sa actlikeaman.org ata un. you really are a good blogger. more power to you ms katerina…
LikeLike
Salamat din sa pagsuporta mo sa blog na ito AceG. God bless you more! š
LikeLike