Buwis-buhay Workout

Bilang sporty at into fitness ang mga kaibigan ko sa church, naisipan nilang mag-zumba! At syempre, hindi sila papayag na hindi kasama ang buong grupo. Sabi ko, ano ba yang Zumba na yan? Sabi ni Tin, na isang alagad ng Zumba, essentially, dance workout daw siya. “Ah, sayaw sayaw, kembot kembot. Keri naman. Sige, gora ako dyan.”
zumbaworkoutKung mapapansin nyo, yung mga kasama ko e outfit na outfit. Sporty ang peg. Samantalang ako, naka-dress. Nagtataka ka, bakit at sa paanong paraan naging pang-Zumba ang isang bestida.

Ganito kasi yun…

Labinglimang minuto makalipas magsimula ang workout, napansin kong pawisan na ang mga kasama ko pero ako’y hindi pa. Kailangan pang mas gumalaw-galaw para pawisan. Ang hirap pala; hindi ko masabayan yung steps. Akala ko dahil sa wala talaga akong coordination. ‘Yun pala, kaya naiiwan yung paa ko sa paggalaw e namamanhid na. Hindi lang paa, pati mga daliri ko.

Sabi ko kay Tin, “taympers. Punta muna ako sa CR.”

At hindi na ako bumalik. Sa locker room, mas tumindi ang ramdam kong pamamanhid ng mga kamay at paa ko. Halos hindi ako makalakad. Pero dahil isa akong nagmamagandang nurse at natural na hindi umaasa sa iba, sinubukan ko i-diagnose ang sarili ko. Hypoglycemia. Naubos siguro lahat ng imbak kong glucose. Mag-isa, lakad ako sa malapit na fastfood resto at bumili ng frenchfries. Nakailang subo na ako nang ma-realize ko na… Ay, mali. Dapat simple sugar pag may hypoglycemia. Candy. Juice. Chocolate. Yung madaling ma-convert into energy.

Bumalik ako sa locker room at nagpalit na ng damit. (At iyon na nga ang bestida). Sa puntong feeling ko pati braincells ko namanhid na, tinigilan ko na ang pagmamagaling. At dahil dalawa sa mga friends ko ay mga nurse din, nauwi kami sa bagong diagnosis: Electrolyte imbalance due to excessive loss of potassium which may result to hairloss, sleep apnea and missing toenail. Ano daw?!! Kidding aside, tama sila. Numbness, tingling sensation and muscular weakness ang mga sintomas ng mild hypokalemia o kulang sa potassium sa dugo.

Flashback: Nag-jogging ako sa UP nung araw bago yun. Tinapay lang ang almusal ko. Kaya siguro ubos na ubos talaga ang lakas ko.

Ang solusyon, kumain ng pagkain na mayaman sa potassium. Halimbawa, potato… Jooooke! Ang pinakamagandang halimbawa ay saging… as in banana. Buti na lang, may tindang saging dun sa gym! Akalain mong ‘yon..

Banana is rich in potassium
Banana is rich in potassium. And the Best in Putla Award goes to… Me!!!

Pinapauwi na nila ako pero ayoko. Hindi pwedeng mawala ako sa surprise post-birthday pasabog ni Ella na magaganap pagkatapos ng workout. (Ibang kwento naman yun).  Naglalaban ang katawan ko na gusto nang humiga at ang isip ko na kailangan matapos ang hapon na iyon para sa birthday ni Ella. Kaya ako, nagtigas-tigasan ng ulo at nagpumilit na kaya ko.”Hihintayin ko na lang kayo dun sa fastfood resto. Kaya ko na mag-isa,” wika ko.

At nang mapag-isa na, habang nakaupo sa isang sulok, na-realize ko… pina-realize sakin ni God, hindi ko pala kaya.

Sige na, aaminin ko na. Nung mga nakaraang linggo, tinatanong ko, “Lord, gusto mo ba ako maging single forever? Kasi ako, gusto ko. Ayoko na po mag-asawa. Tingin ko po, mas makakapag-serve ako sa inyo kung single ako. Kaya ko naman mag-isa. It’s been six years, Lord, and I’m doing great naman diba? Yun e kung ako po ang tatanungin…”

Tingin ko, walang masama maging single kung dun ka talaga tinakda ni Lord. Si Apostol Pablo ay single at nagamit siya ng Panginoon upang ipakalat ang magandang balita ni Kristo.

Pero pinakita sakin ni Lord na mali ang intensyon ko kung bakit ko gusto maging single. Gusto ko lang makatakas sa heartaches and headaches na dulot ng isang relationship. At may pagmamataas sa puso ko na kaya kong gawin ang lahat ng bagay sa sarili ko lang.

Nung moment na ‘yon, kaya kong i-explain ang pathophysiology, causes and treatment ng hypokalemia. Pero hindi ko ma-apply sa sarili ko kasi hindi ako makagalaw. Yung feeling na hihimatayin ka na anytime tapos wish mo may isang tao na umaasikaso sa’yo. Sobrang sama ng pakiramdam ko pero thankful parin ako kay God kasi pinaalala Niya sa’kin na kahit marami akong alam sa buhay, may mga bagay na hindi ko kayang gawin para sa sarili ko.

Sabi ng Victory group leader ko, na malapit nang ikasal, two heads are better than one. Oo, may mga asaran, tampuhan at awayan. Pero sa mga sandaling iyon, ang kapareha mo ay gagamitin ni Lord bilang papel de liha na magpapakinis sa iyong pagkatao.  At the end of the day, you will see that the stress that comes with it is all worth it.

Na-realize ko, kailangan kong ipag-pray na itama ni Lord yung heart ko para sa oras na ipakita na Niya ang mga plano Niya sa life ko, handa ako. Mag-aasawa man o hindi.

Two are better than one,

because they have a good return for their labor:

If either of them falls down, one can help the other up.

But pity anyone who falls and has no one to help them up.

Also, if two lie down together, they will keep warm.

But how can one keep warm alone?

Though one may be overpowered, two can defend themselves.

A cord of three strands is not quickly broken.

~ Ecclesiastes 4:9-12

Ngayon, mas naintindihan ko that it really takes a man and a woman and God

Leave a comment